Saturday, December 24, 2005

day before

Christmas. maaga-aga ang Pasko sa amin ni Lica nang wala kaming nakuhang bagsak sa school. halos 1.0 at pinakamataas na ang 2.5 pero kaysa naman may kahit isang 0.0
 
may mga pinagdaanan akong mga bagay sa nakaraang taon na masasabi kong nakatulong sa pagiging mas mabuting tao. kahit tila mas maraming pagkakamali kaysa tama, ang mahalaga ay may natutunan.
 
hindi na nga ako mahilig magsulat. hindi ko na kayang magsiwalat. siguro ay dahil sa ngayon, tinitingnan ko ang nagdaang mga araw, linggo, buwan, sa isang kabuuan.
 
katatapos lang ng simbang gabi. ilang oras na lang, Pasko na. Maligayang Pasko sa mundo.

Tuesday, November 15, 2005

dulsi

mga major na pangyayari sa nakaraang mga linggo: bday ni lica at pag-upgrade sa testtype.

hindi pa rin tapos ang turning point sa buhay ko. magulo pa ang ikot ng mundo ko. nagsimula ang lahat sa paghahanda para sa kaarawan ni lica. kung kailan matatapos, hindi ko pa alam. malalaman ko na lang kung maayos na ang lahat, kapag wala nang problema, kapag masaya na ang buhay.

sa mabilisang salita at dahil umiiwas ako sa detalye, masaya ang kaarawan ni lica. ang mga sumunod na araw ay napuno ng tunggalian sa loob ko.


tungkol sa testtype, mukha ngang kendi ang windows xp. hindi ko na maalala kung kailan, nag-uwi si papa ng salvaged na 60x cdrom pamalit sa bulok nang 40x na nakakabit dito noon. dahil dito, nakapag-upgrade na ako sa windows xp.

bumagal nga ang pc pero at least hindi na kailangang patayin para umayos. nakakatuwa. gamay na gamay ko ang pag-ayos nitong testtype. kanina lang, napagana ko ang asus na videocard ko.


sa "buhay" sa harap ng pc at sa totoong buhay, medyo magulo. tsaka ko na lang siguro ikukwento sa blog ang mga pangyayari kapag maganda na ang mga kwento, kapag tama na ang pagpapaikot ko sa aking mundo, kapag nagiging kwento na nga ang buhay ko.


oo nga pala, napanood ko na ang ff7 advent children. baka sa susunod, gagawan ko ng entry. nagbabalik din ang aking hilig sa anime. sa eva at gundam. turning point nga. umiikot lang pero hindi talaga ikot kasi may nagbago na sa dating nadaanan.

Sunday, October 23, 2005

ang kasagutan

it's the crust. oo nga naman, hindi ko napapansin dahil nakakain ko na kaagad. may crust ang buko pie at egg pie. yung cassava cake, wala.

Thursday, October 20, 2005

pie at cake

matagal na itong tanong pero: bakit ang buko pie, pie pero ang cassava cake, cake?

masaya kanina ang assignment sa hydrology. magkasama kami ni lica, pumuntang namria sa binondo. nagtinging ng lumang mapa sa lumang library sa lumang building.

masakit ang likod ko lately. yung bag ko sigurong mabigat ang dahilan.

Sunday, October 02, 2005

bagong buwan

kahapon, a-uno ng oktubre, late akong nagising at nakarating sa lab para gumawa ng forms para sa reinforced concrete specimens namin. fun-filled ang work atmosphere kasama nina gp at jonas.
 
bago umuwi, lumihis muna ako ng daan papuntang glorietta area. may misa pa kaya hindi muna ako pumasok sa greenbelt chapel.
 
balak kong bumili kaya naghanap ako ng kopya ng american idiot sa m1. wala. wala na nga rin yung mga dating album ng green day na lagi kong nakikita pag dumadaan ako dun. hanggang ngayon, wala pa rin akong nabibili sa m1 greenbelt 3.
 
may kopya sa record store sa landmark. isa. haha. pumunta muna (at naligaw papunta) akong tower records. dilemma kung ide-deposito ko ang kaunting naipon ko o bibili. mahaba ang pila. sa express deposit. hehe. kaso wala ding kopya sa tower records.
 
binalikan ko na lang yung sa landmark at sa wakas, matapos ang mahigit-higit isang taon, nakabili ako ng orig na kopya ng american idiot ng green day. sulit na rin kasi may bonus vcd ng making the video ng boulevard of broken dreams at yung video noon at ng holiday. tapos bumalik na rin ako sa greenbelt chapel at nangumpisal. umuwi ako para mananghalian. bibili pa akong bakal para sa thesis.
 
 
limang 6-m long 8-mm diameter reinforcing bars. ayokong ipa-bend. hindi naman sila nagpuputol. sana nga hindi talaga kaysa hindi lang nagkaintindihan dahil nilakad namin ni papa mula edsa pabalik sa bahay. nakakaawa ang tatay ko. hinihingal. di na gaya dati, sasabihin niya sa aking maglakad na lang kami kaysa maghintay sa pila ng jeep.
 
anim na metrong maliit ngunit mayugyog na bakal ang bitbit namin. malayo-layo rin iyon. pagdating sa bahay, hindi pala kasya sa garahe.
 
maya-maya, nang nakapahinga na nang kaunti, pinutulan na namin ng halos isang metro bawat isa--dalawang 54 cm. mamaya na namin itutuloy ang pagputol sa mga size na kailangan. marami-rami rin ang 36 na 54-cm at 72 na 3.4-cm. an mahirap pa lalo, mas marami pang kailangang gawin para sa mga araw na susunod. hehe. at nandito ako, 'nagsusulat'.
 
 
hindi ako nakakapagbasa. american idiot na siguro ang pinaka-kwentong alam ko ngayon.
 
 
oktubre na. october 2 ngayon. isang buwan na lang. tila marami nga akong kailangang gawin, a.

Friday, September 30, 2005

as september ends

BOS, CES Acquaintance Party, HYDRAUL/HYDROLO Fieldtrip, HYDROLO Agency Assignment, thesis, special class, at marami pang iba. remember September talaga.
 
nagbasa ako ng mga interpretation ng Homecoming galing sa American Idiot na album ng Green Day. isang taon na halos pagka-release ng album, hindi pa rin ako bumibili ng ligal na kopya.
 
nakaka-sira ng ulo. nakaka-inspire gumawa ng kwento. sa palagay ko, kung magsusulat uli ako, malaking impluwensya ang FF7 at American Idiot.

Saturday, September 10, 2005

Sunday, September 04, 2005

more and less

my life is getting more and less serious. sa acad, seryosong magkaroon ng bagsak pero medyo nasanay na rin ako. sa banda, for the love of music (for fun, and for food and beer) lang pero hindi maiiwasang pag-isipan at paghirapan.
 
bakasyon: kain, tulog, pc, tugtog.
 
halfway na ako sa pagnood ng Gundam SEED Destiny na hiniram ko kay dogi kaso ayaw nang basahin ng CDROM ang susunod na disk.
 
nanlibre si thad two ednesdays ago. nanlibre si domeng noong thursday. puro kain. kaso kino-compensate lang yung mga breakfast na nalalampasan ko dahil sa sobrang tulog.
 
makakasundo sa MOS this week. ililista ko sana dito kung ano ang mga kailangan kong gawin pero sa whiteboard na lang siguro (katabi ng panda drawing). eto na naman: gusto ko nang magpasukan, pero given nagawa ko na ang mga kailangan kong gawin.

Wednesday, August 31, 2005

2.6 gpa with a failure. not bad but still not good.

Tuesday, August 23, 2005

exam week

is the season when you feel life's circular movement.

Wednesday, August 17, 2005

"liars are smart but the honest are wise."

naisip ko nang mabalikan ko ang ilang beses na nagpapalusot ako. marami. lahat yata ng tao, napagsinungalingan ko na.

kasinungalinga, katotoohanan. ang mahalga, kaayusan.

(tagal ko nang hindi nagtatala ng random thought, a. ewan ko kung marami nang nasayang o sadyang walang dumarating.)

Saturday, July 09, 2005

leave of absence

sa wakas, naayos na ang edsamail pero pinaginarahe na nila ang edsamail 1.4c software. pinagamit ang outlook express pero sa palagay ko, pwede naman sa ibang client. anyways, gusto ko ang convenience ng outlook express kumpara sa ms outlook. ok sana ang ms outlook pero hindi ko rin magagamit lahat ng feature. di ako organized person. isa pa, hindi ko maririnig ang "you've got mail" doon. hehe.
 
sa mga nakaraang linggo, na-stress ako, na-depress, nagkasakit pero sa ngayon, mukhang ok naman. umakyat-akyat ako sa malate office na umaasang babalik ang pagkahumaling ko sa organisasyong iyon. medyo huli na pala ang lahat. kung napaaga siguro, kung noong panahon ng recruitment, masisiglahan pa siguro ako.
 
sa ngayon, ayoko ng kompromiso. malaki ang inaasahan ng editor ko sa akin. pero wala akong makitang pwedeng asahan sa sarili ko. para sa akin, ngayon, ang pagsusulat ay hindi ko kayang bigyan ng commitment. para na rin patas. sabi ko nga, hindi pwedeng ang kompromiso. hindi ko kasi pwedeng ibigay lahat dahil may ibang bagay na kailangan ng lahat ko--acad, the perpetual conflict between curricular and axtra-curricular.
 
dapat nasa isang prose section meeting ako sa kasalukuyan pero pinili kong hindi simipot. sa lunes, kailangan ko na talagang makausap ang aking editor. matagal na kaming dapat nag-usap tungkol dito.

Saturday, June 18, 2005

day 169

tila hindi gumagana ang edsamail. malas!

but in every bad, there is more good. today is day 169.

wala akong maisip na isang salita

(hindi ko ito na-post noon)

// two weeks

third week na ng pasukan. sa nakalipas na dalawang linggo, wala masyadong ginagawa. nothing urgent and important kaya hindi stressful. (natutunan ko yan sa leadership training seminar noong sabado bago mag-pasukan.)

kung may responsibilidad man ay ang pabalot libro ng ces last week at ang weekly meeting ng core tuwing thursday ng gabi. masayang magbalot ng libro kasi hindi kailangang high quality. ngayon ko rin lang nabalutan ang sarili kong libro at medyo malapit naman sa gawa ni papa.

ok sana ang pagiging officer ng ces pero nabawasan na rin ako ng magkano dahil sa late at tila mag mga hindi pagkakaunawaan sa loob na masama ang madudulot at wala akong magagawa. isang bagay ang maging concerned pero iba ang maging epal.

this week naman ang malate recruitment. mas kaunti ang responsibilidad. wala nga talaga, e. hiya ko na lang iyon sa isang samahang malaki ang nabigay sa aking katauhan. mas nakakahiya pa dahil sa tinext sa akin ni soyster noong minsan na isa akong senyor na patnugot.

tungkol sa amin ni lica, ang masasabi ko lang ay nag-e-enjoy kami sa aming relasyon. ngayong araw na ito, susubukan kong hindi muna isipin ang malayong hinaharap. ang mahalaga sa ngayon ay ang ngayon. bukas na ang bukas.

kina thad, sa banda, naudlot ang unang praktis ngayon dahil hindi nakakapag-practice si joey. mula next week, dadalasan namin ang practice sa euphony. naisip ko, ok na ang P50/week kung gusto naming gumaling at umunlad bilang isang banda, at balang araw, may marating dahil doon. //




walang akong maisip na isang salita sa sakto sa nakalipas na tatlong araw. pero sa mga nagdaang araw, sira ang switch ng avr kaya ayokong buksan dahil sa spark `pag sinasaksak. kapag minsan lang, ok lang pero `pag dumadalas, delikado na.

huwebes

late akong dumating sa rcprins at masama ang pakiramdam ko pagkatapos dahil sa di kasiguraduhan sa quiz.

napasali ko si lica sa sca at sumali din siya sa englicom para raw may mailagay sa yearbook. ako naman, kukuha na rin ng yearbook dahil kukuha na rin sila. nag-usapan uli namin ni lica ang aming relasyon bago siya umuwi.

hindi ako nakapag-lunch dahil hinintay ko sina sheila pero hindi rin kami nag-lunch. kami lang ni sheila ang gumawa ng experiment sa lab dahil nawala si george. nang dumating si george, ginawa niyang mag-isa ang experiment. gutom na gutom na kami. bago umuwi, kumain muna kami sa agno. hindi na ako pumunta sa meeting ng ces core. kwelang kasama sina sheila at george. pagkain ang pinag-uusapan namin ni george habang naglalakad.

biyernes

late akong dumating sa thesis seminar na hindi ko naalala at nawawala ang salamin ko. mas mataas na lebel ng kakupalan ang mayroon sa cethics. gumawa kami ni lica ng write-up para sa isa't isa habang klase. kinuha ko sa kodak ang pinarecopy niyang picture habang nasa quanmet class siya para makumpleto na requirements niya.

tinuloy namin ang pag-uusap namin at ok pa rin naman kami. medyo magulo lang gumalaw sa mundong may mga termino para sa mga bagay-bagay.

hindi ako naka-attend ng unang prayer meeting dahil tinatamad ako at hindi pa ako handang bumalik. baka kasi ma-culture shock ako o baka hindi na lang ako sanay. buti na lang dahil mukhang sasakit ang ulo ko dahil sa hindi ko pagsuot ng salamin.

pag-uwi, nagluto ako ng instant pancit canton para pampakalma na rin dahil umiinit na ang ulo ko sa nawawala kong salamin. maya-maya, pagkatapos ng hapunan, nahanap rin sa ilalim ng platerang pinaglagyan ko noong huwebes.

mainit ngayong mga nagdaang araw. sa hindi paggamit ng pc at para hindi maging badtrip ang ok na, nag-aircon ako sa pagtulog. nakatulog ako kaagad sa tulong na rin ng kahinaan ko sa brandy. konting nakaw na inom lang sa baso ni papa, nag-iba na kaagad ang pakiramdam ko. ewan ko kung hindi na lang ako sanay o napatunayan ang napatunayan na noong mga pagkakataong sumuka ako pagkainom ng brandy.

nakakahinayang ang hindi ko pagkaalam ng inuman pero ok na rin kasi matagal na akong hindi nakakainom at delikado na. may quiz ako noong araw pagkatapos.

sabado (169th day of the year)

sayang ang pamasahe at mali pa ang nakuha kong sukli. mahirap ang nakakalimutang wala palang dalang barya. magbabayad sana ako para sa g&w pero sarado ang accounting office. kesa hintayin ko, umuwi na lang ako. wala rin ang bibilhin ko na lang sanang notebook. ang naging saysay na ng biyahe ko ay ang casing ng cellphone ni ate.

tinatamad pa akong mag-aral kaya sumama na lang ako kay papa sa raon sa pagbili niya ng switch ng avr. paker. sana pala talaga bumili na ako ng strap kasama ng bass. P200 yung fernando na strap na nabili ko. hindi pa matawaran. mahina rin ako sa ganun. kaya ngayon, P4000 ang gastos ko sa pagiging bassist. mukhang malabong P6900 lang ang magagastos ko sa lahat-lahat. sana may mahanap akong magandang bass amp na papayag na 2900. bahala na.




gusto ko sanang magsulat tungkol sa mga pangyayari sa bansa ngayon. pero pwede namang sabihin na lang na magulo. hindi pa sayang sa oras.

Thursday, June 09, 2005

6-9

6-9 nga pala ngayon. asteg. bday ni thad at araw ng g69.

anniversary din nina tita chato at tito nonong. pagkatapos ng medyo nakakapagod na araw, masarap kumain ng handang lasagnia kahit hindi ko alam ang baybay.

dahan-dahan lang sa mga bagay-bagay

sinusundan ko ang abiso ni dustin at ni arun at ng aking konsyensya ukol sa pagsusulat sa pamamagitan ng blog na ito.

exciting and challenging. pero tila napasobra sa challenge ang rcprins na subject. sa kabilang dako naman, kalahating badtrip ang ceflula dahil tinanong ba naman ako ng prof, "di ba tapos ka na?" masaya ang pasado ka pero bagsak sana gaya ni anina sa strenth pero mabigat sa kalooban ang pasado sana pero bagsak. extremes. sa gitna naman ang cencomp na may sapat akong kaastigan at katangahan. sinusubukan kong sulitin kahapon ang libro habang hinihintay si lica na matapos ang quiz1 part1 sa quanmet. sa kasamaang palad, tila hindi maganda ang resulta ng quiz niya at hindi rin mabuti ang kalagayan niya sa rcprins.

Friday, June 03, 2005

dlsu survey

1. What is your student number?
10215719

2. Did you pass or were you waitlisted?
pass

3. How did you hear of your entrance exam results?
i didn't

4. Was DLSU your first choice?
no

5. Do you know your score in the DLSUCET?
no

6. What was your first choice in terms of degree program?
BS CIV

7. Second course?
Com Eng yata

8. What's your course now?
BS CIV-STE (haha. nag-level up)

9. Did you plan to shift/think about shifting?
i have nowhere to go

10. Are you Chinese? Or do you have Chinese features?
1/4

11. Are you from LSGH or DLSZ?
fortunately yes! (no offense meant... well, not a lot. peace out.)

12. Did you enjoy in the SALIKSIK?
quite. happy moments don't last long, though. (shet! bakit naaalala ko pa.)

13. Which gate did you use to enter the DLSU campus on your first day?
south yata

14. Have you ever resided in a dorm?
no

15. Have you ever had a 0.0?
yes

16. Have you ever had a 4.0?
yes

17. What was your highest grade?
yes

18. What was your lowest grade?
yes

19. What was your worst experience in DLSU?
optimist ako, e... marami

20. Do you always attend your classes?
as much as possible

21. What were your organizations?
MLF, SCA, CES

22. Do you have a scholarship?
i wish i did

23. How many units have you passed?
marami

24. Did you dream about graduating cum laude?
i can't recall

25. When will you graduate?
2006 (pero 2007 ang march)

26. Who was/were your favorite teacher/s?
ayoko ng may favorite teacher kasi ayokong may favorite student

27. Who was/were your worst teacher/s?
di ko na pinag-iisipan yan

28. What is/are your favorite subjects?
mechanics subjects

29. What is/are your worst subjects?
ie subjects

30. What is your favorite landmark in DLSU?
sa makati yun, di ba?

31. Favorite building?
tatlo, e. velasco, sps, at MM

32. Favorite eating establishments?
Z<sup>2</sup> dati. ngayon, wala.

34. When riding a jeep, do you pay the student fare?
minsan

35. Are you always in the library?
dati *sad*

36. Did you go the clinic once when you were sick?
yes

37. Do you have a crush around campus?
yes

38. Are you single or attached?
single pero may ibang meaning yan. haha

39. Do you plan to pursue a Master's or Doctoral degree?
plan to graduate muna

40. What were your P.E. courses?
pedance, peindiv, peteams (mas madaling i-type, e)

41. How was your frosh block?
no comment

42. Have you ever watched a graduation ceremony in DLSU?
no

43. Have you memorized the Alma Mater Song?
i don't like where this is going to...

44. What about the Rektikano?
whokey...

45. The Bumakaya?
hindi na maganda ito...

46. LaSalle Spelling?
eto na...

47. Are/Were you a member of any varsity team in DLSU?
sabi na, darating at darating din tayo dito. badtrip.

_______________________________________
EDSAMAIL. Internet the way YOU WANT IT.
www.edsamail.com.ph

Monday, May 30, 2005

end summer

natapos na nga ang bakasyon. pangalawang linggo na nga ng klase. tag-ulan na. maraming hindi nagawa, hindi natapos, ni nasimula. bukas, bukas, bukas... masarap mabuhay nang naniniwalang may bukas pa. pero tila mas masarap kung parang wala na pero mayroon pa talaga.

Tuesday, May 17, 2005

email lessons

kanina (pero kahapon na talaga), tinuruan kong mag-check ng email si mama. nakakatuwa.

Sunday, May 15, 2005

liturgical calendar update

we celebrate pentecost today, the day the Holy Spirit descended upon the apostles according to the scriptures.

Tuesday, May 10, 2005

internet paranoia

nadagdagan ang pc paranoia ko. noong una, sa system resources lang ako conscious, pero dahil sa isang recent hijack (na either mula sa isang porn site o mp3 site--the second more likely) na na-repair ko naman gamit ang delete button at windows scanreg restore, ang mga binibisita ko site ngayon ay may kinalaman sa internet security. sinet ko na rin ang ie security sinusunod ang mga tip mula sa isang site. kung hindi lang mabagal ang startup ng mozilla firefox sa testtype, gagawin ko nang default browser, pero gaya rin ng sabi sa napuntahan kong site, kahit hindi gagamitin ang internet explorer, kailangan ding gawin itong secure.

babanatan ko sana ang microsoft pero wala naman akong karapatan at sapat na kaalaman--just some basic internet hobbyist's knowledge.

_______________________________________
EDSAMAIL. Internet the way YOU WANT IT.
www.edsamail.com.ph

Monday, May 09, 2005

band practice

band practice

dumating si thad nang mga 9, kaliligo ko lang. dumating si cholo nang mga 10, na-transform na namin ni thad ang kwarto ko na kinompliment ni mama ng paglilinis.

dahil hindi namin na-pactice ni cholo ang mga cover song na gusto ni that, nakapag-compose kami ng isa. halfway pa lang kasi wala pang drums at lyrics. ang tagal pala ng proseso. ang tanging break lang namin ay ang pagkain ng masarap na tanghaliang hinanda ni mama.

masaya. pero sana hindi ito gaya ng pagsusulat ko na hindi ko naayos para hindi makagulo sa ibang pangarap ko at hindi rin umunlad dahil doon.

lunes na pala

si papa halos ang nasa pc dahil sa trabaho kaya ngayon-ngayon lang ako nakagamit. nag-post ako sa avocados tungkol sa nakaraang weekend. doon ko 'sinulat' nang may kahabaan ang mga pangyayari. inaantok na ako. basta.

sabado

lucban, healing mass, grotto climb. kapagod pero fulfilling. minsan na lang ako bumyahe. ang hindi lang maganda, hindi kaya ng katawan ko ang biyahe. hindi ko nakondisyon ang sarili. resulta = ngawit.

linggo

mothers' day at ascension sunday. at pagpinta sa gitara. non-senti is good.

Friday, May 06, 2005

outside at last

nagpunta ako sa greenbelt para mangumpisal at magsimba kasi 1st friday. dadaan dapat ako sa anime event sa glorietta pero mahaba ang pila sa pakumpisal kaya pagkatapos kong mangumpisal, misa na. pero sumilip na rin ako sa mga pangyayari sa glorietta pagkatapos ng misa pero wala naman akong napala.

sinabihan ako ni mama na huwag maglakad kasi mapapagod ako... -_- pero dahil walang jeep at mahaba ang pila, naglakad ako hanggang waltermart at namili ng ilang items: spray paint, glue, masking tape, gatas, chocolait (hiwalay na ang nestlé at magnolia), at baterya. hehe. credit card. sayang ang miles.

pag-uwi, gutom ako. nakakain na ako pero gutom pa rin ako. kain na lang ako ng piyaya mamaya.

Thursday, May 05, 2005

araw ng isda sa lata

isa sa mga dahilan kung kaya ngayong gabi ko lang tinala ang tungkol sa katuwa-tuwang araw na ito ay dahil hindi ako mapakali kung sardinas o tuna. pero pareho. napansin ko ang kaastigan ng araw sa IM window ka-chat si odessa.

bumagal ang testtype. ewan ko kung mabagal na talaga o napansin ko lang ang kabagalan. nabanggit pa kanina sa explorations sa ngc ang tungkol sa pag-condition sa utak para mag-react nang kung paano.

sa explorations kanina, tinalakay ang tungkol sa utak ng tao at sa development. hirit dun sa palabas ang "in the year 1000... in the year 2000... in the year 3000..." sayang, hindi ako aabot sa 3000. parang ang ganda pa naman ng advancements sa teknolohiya. at ang gusto ko sa palabas na iyon, hindi siya necessarily kontra sa pananampalataya ko.

kadararating ni papa galing cebu at hanggang ngayon, team building pa lang ang gawain ko sa labas. sana tuloy kami sa lucban sa sabado. sa lunes naman, kahit hindi sa labas, sana tuloy ang semi-band semi-practice namin dito -- semi-acoustic session. haha.

naalala ko ang si lica, kung paano niya inisipan ng profoundness ang kalokohang kasabihan. ang araw na ito, symbolic. sa init ng panahon at hindi ko paggalaw, isama na natin ang kakulangan ng kakayahang gumalaw dahil sa kondisyon ng bulsa at katawan, para nga akong isang isdang nalagay sa lata.

happy canned fish day!

Wednesday, May 04, 2005

stuck and bored at home

that's what vacation is all about.

kahapon, inatake uli ako ng migraine at halos buong araw na masama ang pakiramdam ko. kanina, pinlano kong linisin ang satellite at resonance. hindi pala pwedeng burahin ang mga post sa tabulas nang ganun lang. pinag-hirapan ko pa namang i-back up ang mga comments (kailangang burahin) sabay hindi ko rin mabubura ang posts. owel. that's that.

pero wala pa rin akong napapalang masaya sa summer. or so i think. ang init.

Monday, May 02, 2005

hello internet

ha! gumagana pala ang dlsu dial-up kahit bakasyon at kahit Windows Family Logon ang Primary Network Logon. this is good.

migraine

ang sakit ng ulo ko... everything seems fine, but there are things i have to fix. pero kailangan ko munang matulog pa. kailangang makalma pa lalo.

Sunday, May 01, 2005

1 Pt 3:15-18

This Sunday's second reading

1 Pt 3:15-18

Beloved:
Sanctify Christ as Lord in your hearts.
Always be ready to give an explanation
to anyone who asks you for a reason for your hope,
but do it with gentleness and reverence,
keeping your conscience clear,
so that, when you are maligned,
those who defame your good conduct in Christ
may themselves be put to shame.
For it is better to suffer for doing good,
if that be the will of God, than for doing evil.
For Christ also suffered for sins once,
the righteous for the sake of the unrighteous,
that he might lead you to God.
Put to death in the flesh,
he was brought to life in the Spirit.
1

not feeling that good these past few days, i recall a certain livejournal user bashed by bugie, arun and a lot else.



1U.S. Catholic Bishops - New American Bible

Thursday, April 28, 2005

system not responding

i put windows 98's system monitor on the windows startup menu. apparently, it gives a warning when the system runs at less than 10% resources preventing it from not responding. it's just now that i realized that the testtype runs with 25 - 50 % resources at my usual usage.

i've been playing mechcommander 2 for the past two days. at regular difficulty, i'm surprised to have 4 veterans in about 10 missions. well, gameplay is better the second time around...and with tips from a strategy guide. but all i took seriously are tips on pilot skills. it's got the rpg feel that i've come to appreciate lately.

now here's what sucks. here are a few games i've played here:

* nfs porsche unleashed (2000)
* mechwarrior 4: veangence (2000)
* mechcommander 2 (2001)

a common thing about these games is that the pc hangs during gameplay even in this upgraded state. to think that this pc is supposed to be from that time.

on music, i think the band's participation (or audition even) in the muziklaban rock challenge won't happen this year. i've quite done the music for my song with my little guitar since i can't do one using a bass with no amp nor my currently bare classical guitar, B. (i haven't named my bass. then again, it's only B that has a name.) i attempted to make it sound punky but i ended up with an alternative sound. not bad. i'm even starting to get an ear, noticing how punk rock sounds.

i won't be going to baguio with sheila, patrick, lica, and the rest. no sense in crying or attempting to secure permission. today's radio mass homily even gave me reasons not to feel bad about it. it was something about love and obedience to parents. the missed opportunity to be with friends and my special someone must have a good side to it. i got some in my mind now.

Tuesday, April 26, 2005

e-mail is for edsamail

pina-tuloy ko pa rin ang edsamail ko kasi sulit naman ang bayad. nasanay na rin ako sa edsamail, e. buti na lang hindi pa ako nasasanay sa sun. dahil "pag mataas ang demand, mataas ang price," balik smart sim at smart budgeting ako. hirap buhay. pero edsamail pa rin!

Monday, April 25, 2005

gastos, gastos, gastos, gastos...

dalawang pakay sa pagpunta sa dlsu ngayong araw na ito: (1) secure clearance and claim eaf kasama si lica, (2) ces core meeting.

sa meeting na nagsimula nang 9:30, dumating ako nang 10:30. marami-raming napag-usapan at tila mahahalaga. mukhang mas trip ko ang mga meeting sa ces kaysa malate. less pressure but seemingly more productive despite greater amounts of distractions. balak ko sanang gawin ang gaya noong nasa malate eb ako, pero tila hindi ko kakayanin. sa bawat late, may bayad. ganoon din naman sa malate eb sa pagkakatanda ko (yata... may problema ako sa pag-alala. kulang sa ehersisyo ang utak, e.) pero tila mas maraming meeting ang sa ces at mas masama ang tama. mayroon pa kasing weekly fund raising na mangyayari. P10/week. tila pareho ang problema sa malate--walang pera. may mga gastos pa para sa id at membership pa rin yata. not to mention lunch during meetings. pero mas mura naman sigurong kasama ang mga ito kaysa sa malate eb. mas diverse kasi pero nandoon pa rin ang threat sa wallet.


pareho kami ni lica ng problema sa pagsama sa balak nina sheila at patrick. permiso at pera. sa totoo lang, magkadikit iyon. sa lagay ko, mahirap payagan kung walang pera. e nahihiya naman akong manghingi kaya hindi aggressive ang pagpapaalam ko. nag-hint na na di ganoon ka-agree kaya "take it as a no" na lang ako. napilitan na nga si mama sa pagbili ko ng bass kaya wala na akong laban. nakakahiya lang kina sheila pero sana maintindihan nila. besides, maraming commitments.


sa pagkuha namin ni lica ng clearance sa clinic, may sinabing ganito ang nag-attend sa amin, "anong id number n'yo? 104?" may mabuti at masamang ibig-sabihin ang mapagkamalang 2 batches lower. una, ang naisip ko (being the more optimistic), cute kami para mapagkamalang mas bata. pangala, ayon kay lica, mag-fo-fourth year na kami, hindi pa namin alam ang procedure. pero magulo naman talaga. sinunod lang namin ang sabi sa amin. owel.

ang drama sa pagkuha ng eaf ay ang makita kung magkano ang kailangang bayaran. ang driving force ko pag naiisip ko ang kalungkutan sa pagka-delay at karagdagang gastos: no use crying over spilled milk. nahilig pa naman ako sa gatas lately, pero pag natapon nga naman, punasan na lang at inumin ang natitira.


natanggap na ang credit card payment para sa edsamail ko. (via edsamail sana ako mag-u-update ng blog para sulit kaso medyo nag-hang ang testtype kanina nang dina-download ko ang realplayer. sayang ang halos isang oras. paker.) reasonable naman ang presyo pero gastos pa rin. may balak pa akong bayaran si mama at papa para sa mga credit card expenses ko. kaya sa may 5 na lang ako bibili ng spraypaint at masking tape para kay B para may pera na ako pagdating ng bayaran. ibibili ko pa si ate ng housing para sa 3660. nag-resign pa si ate kaya hindi ko na muna ako magre-reload sa sun. (masasayang ang 50cents. owel. kaysa naman P150.) balik smart (double meaning) budgeting ako. may pag-iipunan pa akong amps.


daming gastos. ang dami ko tuloy naitala.

susunod

siguro mag-aayos ako ng mga web page ko. burara, e.

Sunday, April 24, 2005

summer na summer, nag-re-review

isang review ng mga nakaraang araw:

tuesday

* unang araw ng ces core team building sa batanggas. anti-social mode: on.
* not as boring as expected. ok pa nga, e.
* gabi. matatakutin pala ang mga kasama ko.
* scary road kasama nina king at roñel.
* takutan bago matulog kasama nina rs, patrick t, gian, at allan.

wednesday

* may bago nang pope ayon kay rs.
* anti-social meter: low
* star gate. asteg. kaming tatlo nina roñel at rs ang huli.
* tuloy ang takutan
* inom, joke, suka, tulog

thursday

* uwian na

friday

* hangover ba o sadyang gutom lang ako?

saberday

* gets ko na ang pick bass
* niliha si B para ihanda sa final (hopefully) painting

kanina

* reformat c: na sinundan ng madugong windows installation
* testtype's good

preview ng bukas

* ces core meeting
* secure clearance and claim eaf with lica

Monday, April 18, 2005

ff7, transport strike & bass guitar

kalilipat ko lang kagabi (mga 24 hrs ago) sa 'disk 2' ng ff7. i'd blog about it more but i'd get emotional. hehe. two of the reasons i don't play rpg: time consuming (save point), i tend to get involved.

ang hiningi ko sa mga dasal ko mula pagkatanggap ng course cards ay maging ok kay mama na bumili ako ng bass. mapahanggang kaninag umaga, parang di pa rin siya payag. ngayong narito na, tila tanggap na niya. ang kailangan ko na lang gawin ay siguraduhing hindi siya magsisisi na pinayagan niya ako. (pero sa totoo lang, hindi ako pinayagan.)

primary objective: claim witheld EAF FAILED

dahil sa transport strike, naglakad ako papuntang dlsu (kahit na pwede pa sana akong mag-commute). dahil din sa strike, hindi dumating si sir apollo, ang academic assistant, para ibigay ang mga EAF na witheld. ewan ko lang kung dumating siya pagkaalis namin ni menard.

naalala ko ang sinasabi ng mga kaklase ko tungkol sa strike. kalokohan daw. makikitid lang talaga ang mga utak nila. i can't blame them, though i really want to. pero sa mundo natin ngayon, ginagawa tayong tanga. kaya hindi kataka-takang maraming...

primary objective: purchase bass SUCCESSFUL

ang balak talaga ay kunin ang EAF tapos pumuntang raon para bilhin ang bass. pero yun na nga, kaya galing dlsu, nagpunta kami ni menard sa raon. medyo masakit ang mga tuhod ko at yung left shin. sabay nag-LRT pa kami kahit may jeep pa naman. pasaway talaga.

mabilis ang transaksyon kasi binalikan lang talaga. wala yung nagbenta sa akin ng bass noon kaya iba ang umasiste sa akin. iba rin ang kinuha ko. itim imbes na asul. yung may design sana kaso hindi kaagad nakita. ok na yung itim. tila nagiging itim na ang kulay ko..err..you know what i mean. P3800. 4-string Miltone eletric bass. ok na. not the cheapest but the most convenient purchase. well, none to compare, really. matapos ang maragal-tagal na pagtono nung mama, pina-drop d ko pa. sinubukan ko nang sobrang sandali tapos bayad na. kasama na ang case at purple na kable. hehe. halos back to zero ang pera ko. ok lang. kaya nga may pera para gastusin. at isa pa, para may panibago at mas malupit na ipunan.

habang naglalakad pauwi, may ilang sorbetero akong nadaanan. nang naisipan kong bumili na, sampung pisong ube sa sugar cone. (sa totoo lang, yung flavor lang ang pinili ko. given na yung presyo at apa.) di ko pala natanong kung may avocado. buti na lang kasi wala. e di hindi ako nakakain. bago lumayo sa sorbetero, napansin ko na may sticker ng muziklaban. asteg. sabay dala ko pa yung bass. hehe. asteg.

nag-jam kami nang konti ni yonni sa sala nila nakasaksak yung bass sa radyo nila. nga pala, wala akong amps at buti na lang, ok lang isaksak sa pc. hindi sumabog yugn soundcard. hehe. medyo may compromise na ako sa pag-aaral ng bass.

Friday, April 15, 2005

when a third time happens, there ain't a fifth

praise the Lord!

apat na magkakasunod na term ako nagkaroon ng bagsak na grade. ang laki ng saya at pasasalamat ko kanina.

soilmec - 1.0 x 3
struct2 - 1.5 x 3
mattest - 1.5 x 3
hubehor - 2.0 x 3
matesla - 2.5 x 1
relstri - 3.0 x 3
soromla - 4.0 x 1

good enough for a recovery. nasagot ang mga dasal ko. sumamblay lang ang isa kong kaibigan pero kasama siguro sa dasal ko na maging ok lang siya kung sakali. seems so.

nanood kami nina lica, pat, at max ng spongebob movie. tama nga, mahigit isang oras ng nonsense pero hindi korni.

all is well now. sana lang, pumayag si mama sa pagbili ko ng bass. iyon na lang, ok na ang lahat sa akin. sa ngayon, tila kailangan ko munang matulog.

Wednesday, April 13, 2005

hindi ako naniniwala sa malas

huwag naman sanang maudlot kahit na may parang malas na kapag binabalita ang isang bagay o inaasahang lubos, hindi natutuloy. ok na sa akin ang presyo. baka sa sabado, bibilhin ko na yung bass sa raon. medyo kulang pa ang pera ko. pero may posibleng solusyon.

ang magpapaudlot lang noon ay ang hindi magandang resulta ng mga grade sa friday. kanina, pagkabili ng gatas pagkagaling sa raon, dumaan ako sa simbahan. iyon na lang ang kaya kong gawin sa ngayon--umasa sa taas.

si menard, nakabili na rin ng classical guitar. sa sabado talaga, babalikan namin `yung bass. not exactly. parang mas ok `yung isang black na may design kaysa dun sa plain na blue.


malas daw magbilang ng pera `pag gabi. ang tangging nakikita kong rason, madilim, baka magkamali. kaninang umaga ko sana bibilangin ang laman ng isa sa tatlo kong matataas na alkansya. (walang laman yung dalawa.) binalik ko rin maliban sa mga tig-25c na nilipat ko naman sa bote para sa pondo ng pinoy.

mataas na halaga na rin ang nabilang namin ni mama para sa mg barya-barya. hindi ko maalala kung kailan ko sinimulang lagyan iyon. pero nakuha ko iyon noong 7th bday ko sa jollibee. siguro, mga 4 years ago talaga ako nag-ipon sa alkansyan iyon.

pwedeng-pwede sanang pandagdag sa bass budget kaso korni ang alkansyang walang laman. ang balak ko, punuin pa uli pati ang dalawang iba pa. gagastusin ko na lang siguro ang mga ipon ko pag nagpalit na ng pera. emergencies considered but not expected. naalala ko tuloy `yung P690 ng 4th yr high school.

money, money, money. ang malungkot lang, sa mundo ngayon, kulang pa rin iyon. buti na lang, hindi ako mahilig doon.

Tuesday, April 12, 2005

about 2 and a half years high speed late

sa wakas, pagkatapos ng halos dalawa't kalahating taon mula sa pagkakalabas, na-unlock ko na ang lahat ng "unlockables" sa nfs: hot pursuit 2. partida, bulok pa yung graphics kasi hindi kaya ng testtype.

Monday, April 11, 2005

natapos na rin

sana nga. sana nga tapos na ang mga subject ko for this term. hindi ko pangarap ulitin ang kahit bahagya sa kanila. at hindi lang iyon. end of school year, and of another chapter sa buhay namin nina lica, patrick, jeff, max, at vic. (max = sheila; vic = vicky)

it feels good to have them as friends. parang ganito ang friendship ko sa kanila dati sa malate. which is good. kasi kahit na hindi na kami nagkakasama-sama, secure pa rin ako sa aming friendship. may mga pagkakaibigan na alam mong magtatagal.

course cards sa friday. i see me this week in prayer. sana hindi ito yung sinasabi nila na kapag may kailangan lang tsaka lumalapit sa Kanya. i see a good future ahead. umikot na naman ang mundo. tsaka na ako matatakot sa patuloy na pag-ikot.

Sunday, April 10, 2005

okey ito, a

nababawasan ko isa-isa ang mga problema ko. mula sa supposedly least important but mot bothering to the significant and more delicate.

only about 24 hours till soilmec and 12 before relstri deadline. kaya `to! amen.

Saturday, April 09, 2005

misyon, pangarap, at pangarap uli

doing today's mission with arun was fun. it didn't go as perfect as it could have been but at least the primary objective was fulfilled. the only sad thing is how misleading my answers to my mother's questions were. my only justification is that they were true at the least.

may mga pabigat sa akin recently. at kina lica, patrick, sheila, vicky, at jeff. marami at iba-iba. medyo gumaan na yung dala ko. si patrick din. sana si sheila, damay ni patrick. si vicky, mukhang ok naman. malaki pasasalamat ko kay vicky. nakakahawa ang faith niya. sarado katoliko ako pero hindi ibig sabihin, hindi ko pwedeng i-admire ang faith na makikita sa protestantismo.

monday, sabi ni vicky, aayusin ang mga bagay-bagay. there'll be two people exempted. ganoon lang talaga sila.




tumuloy ako sa sbt mula sa bicutan-sucat area. napalaro ako nang hindi naka-panglaro. may band room na kaming mare-rentahan. P200/hour pero P150 pa for one week daw, promo. asteg, napaka-convenient. sa makati square lang at kumpleto pa sa basic na gamit. nagtingin kami ng bass sa jb at rj. isa lang ang pasok sa price range with tolerance. di trip ni cholo ang hitsura, di nakita ni venjo, ko lang sa akin. medyo metal ang dating kaya medyo trip ko, pero medyo punk ako kaya hindi ganun ka-bagay, pero medyo deviant ako kaya ok. isang option pa lang yun at pwede pang mag-tingin sa raon. pero stereotypical lalaki ako sa pamimili, e.

hindi na ako sumama sa kanilang manood ng spongebob sa g4 kasi kailangan kong magpahinga at mag-aral. (isa lang ang na-accomplish ko sa dalawang yun. go figure.) kahit as usual ang sbt, dahil hindi naman ako madalas magpunta, at tantya ko, kahit mas madalas akong dumalo, hindi pa rin nababago ang pakiramdam ng tuwa.

sana lang, ganoon din sa isa kong pangarap.

[note to self: magsulat tungkol sa paghihintay sunod sa o bago o sabay sa pagsulat ng "tara"]




naalala ko lang. at least bawas na ang problemang maituturing sa matest kung saan naka-1.5 ako at sa matesla kung saan nabawi ko pa nang konti ang pride ko sa 2.5.

Thursday, April 07, 2005

sandali na lang

listahan ng requirements:

* relstri final "paper" (in quotation marks kasi email)
* soilmec special project due monday
* soilmec final exam on monday

additional:

* hanapin si sir oreta at siguraduhin ang pagpasa sa struct2

special:

* misyon sa sabado kasama si arun
* bonding with sheila
* catching-up with odessa
* rediscover red horse

super bonus:

* mag-post ng astig na pilosopiya. kaso talaan lang ito. meron pala sa avocados.

Saturday, April 02, 2005

Church crisis

the Church is in crisis as Pope John Paul II is in his final hours according to the Vatican. i pray the best for our Church.

i remember arun's post on prophecies. hindi ako naniniwala sa ganoon pero napaisip kaya ako. pero, in further thinking, hindi nga ako naniniwala sa ganoon.


on personal life, malapit nang matapos ang term. nervous. tila kailangan kong kumpirmahin ang estado ko. hindi ako dapat bumagsak. hindi ko na kaya.

Thursday, March 31, 2005

joseph michael c. ang, editor

about a year ago was my grandmother's burial. last monday was a year after her passing. anyways, since i was in bulacan for her burial, i wasn't able to attend the malate ga announcing the managers and editors. i was the prose editor.

i had to quit that position for many reasons.

about 7 and a half days ago, i was on my way home from a meeting of the ces core group. my position: editor in chief, bridges newsletter. i applied for the position webmaster. i felt it was predestined.

if i'll be quitting, i doubt. though i still believe in my unqualifications for any editorial position, this time, i'm doing a mistake i've done once making me better at making it right. i do that.




currently, i'm cramming a day early for a report. God help me and my peers.

Monday, March 21, 2005

"kasi ang strength, dine-define ng mas mababa...tama ba?"

iyon ang sagot ko kanina sa tanong ni mr. franco sa mattest, kung bakit ang kono-consider ay ang mas mababang stress sa design. noong sabado ng gabi hanggang linggo ng madaling araw, hanggang sa buong araw, alam ko, nag-overreact lang ako. anong masasabi ko, natural na engineer yata ako. nag-usap kami kanina. ang mahalaga, cool lang kami.

(vague and unclear. i wonder if i'll understand what i mean at this moment when i look back in time someday.)

_______________________________________
EDSAMAIL. Internet the way YOU WANT IT.
www.edsamail.com.ph

Sunday, March 20, 2005

Wednesday, March 16, 2005

weapon of the day: t-square

bitbit ko ang t-square ko kanina sa school. gagamitin sana namin panukat para sa posicle stick bridge pero hindi rin namin ginawa kasi hindi kami namin napag-usapan. gumising akong iniisip na hindi maganda ang araw na ito. pero minsan, kahit alam mong di mabuti ang para sa iyo, kaya mo pa ring baguhin. kailangan mo lang patawarin ang sarili mo. (i'm speaking for general cases here.)

good thing 1 - madali ang enrollment. hindi ako naka-enroll for summer pero ok lang--tipid naman.

bad thing 1 - hindi na naman ako pumasok sa hubehor.

good thing 2 - pay-off ng paggawa ng computations sa soromla. madali ang exam.

bad thing 2 - bagsak sa report no. 1 sa matesla.

good thing 3 - pakiramdam ko, masaya si lica.

bad thing... wala na... everything bad becomes easy load.

on the weapon, nakita ako nina cara (grey wolf) at sunny (tiger sun) dala ang sandata. quite as i expected kasi kahit na "by chance" ang pagkikita namin, ako ang unang nakita nila. naglakad ako halfway pauwi bitbit ang sandata na may sense of safety. the other extended half was restful.

ngayong dilim, hiling kong pagpalain ako at makuha ko ang lakas para gawin ang report no. 2 sa matesla. i need a hundred to regain my grade and my pride. naalala ko, hindi ko natanong si sir tanhueco kung siya ang prof ko next term sa ceflume at ceflula. in a way, may kasunduan kami na patutunayan ko sa kanya kung gaano ako katalino.

lahat ng bagay ay kaya basta alam mong gamitin ang iyong sandata.

Saturday, March 12, 2005

L stands for leisure, love, life, and you know who

on leisure

though a greater part of me disagrees with the term (pinili ko lang kasi sa L nagsisimula), today was the second ang last day for my relstri community service. came late, rested a lot, did moderate work under moderate sun (moderate is a subjective term), finished late. had some fun with classmates i don't spend much time with but felt damn far from the her while she was just on the next housing project.

why leisure, by the way? one word: fun.

[did you know that new door can be changed into one word?]

love

for family and friends and that special love people talk about. it makes me think of sadness, joy, and the absence of both in me.

(...and it's opposite...)

i did some backstabing and i sure wish my companions will remind me of my cawardly courage in words by monday that i may not be one of them i backstab. one category that i sure won't be at the same level with them is wisdom, or stupidity if you put it in their terms -- that being my basis for backstabbing.

life (and the end of it)

made my mind busy for on my way home from severina (just the entrance). there's this sense of loneliness related to the last bold L word. in brief, it's a loneliness among people around who don't actually want to be where they are.

another point pondered on is...are the dreams i have for others. interesting, it seems, is the posibility of being known as one who lived with unfinished dreams. then again, i'd have to die first so let's leave that with a low probability. besides, i wouldn't want others fulfilling my dreams for me.


i need to talk to someone as wise about my grammar and these things that run through my mind. the latter, maybe at least to a good listener. gotta get these out of my mind. i've got priorities piled up, and they're all related to academics.

(arun, antagal ko nang hindi nagsusulat! saklolo. i'm a lost kid and you're a cop from grammar police.)


o, and if you're wondering what about the fourth L word, she's plays a big part in all the others.

Thursday, March 10, 2005

today is day 69

ng 2005.

tila 12:16 AM at gising pa ako... inaantok ako pero hindi ako makatulog... labo.

Tuesday, March 08, 2005

sunrise

tila matagal na rin akong hindi nakapag-update at tila hindi ko na rin maitatala ang lahat.


hindi mabuti ang pakiramdam ko sa quiz ko kanina sa soilmec at bagsak at delikado ako sa struct2. karagdagang badtrip, hindi pa kami nakakausad ni ray sa proyekto namin sa hubhor. a little gathering of strength, motivation and good luck plus prayer, i'd end up well. ang badtrip lang, hinang-hina ang loob ni lica sa status niya sa struct2. kaya kong sabihing magaan ang sarili kong problema, pero pag problema na niya, nagbabago ko. hindi ko muna iisipin ngayon. tumutugtog ang "friday i'm in love" ng the cure at gusto ko ang masayang feel ng kanta.


ang mga nagdaang araw:

* pag-quote kay loi
* pag-iwas kay mr. zalatar
* sc campaign
* pagdamay ng sarili sa problema ni odessa (ok, nantrip na naman ang winamp)
* kaunting pagka-depress sa academic status
* final fantasy seven


pero masasabi ko pa ring masaya ang araw na ito given the above statements at nakita ko pa si yama. una, nagkita kami ni menard. pangalawa, P169 ang load ko sa dalawa kong sim (at mapapatagal ko pa nang ilang araw salamat sa sun 24/7 ctu). at pangatlo, ayon kay ernie baron, 6:09am ang sunrise kanina.

/*update*/

magaling ang winamp. pagkatapos ng ilang inspiring words sa ym mula sa aking pinsan at kabarkadang si jeff, tumugtog ang "learning to breathe" ng switchfoot.

Monday, February 21, 2005

shirts

i have to admit, i like being noticed, distinct. it's the shirt.

sinuot ko kanina ang nabili kong t-shirt sa ukay-ukay. attenstion catcher sa mga ka-course ko kasi maganda ang disenyo at may nakasulat na civil engineering students' society.

sabi ni ray, pagsusuotin nya sana kami ng dilaw kasi sabi ni anina. naisip ko, isa lang ang dilaw kong t-shirt, kinain pa ng ipis, pero may isa pa pala--yung binili ko kay aj. isa pa iyon sa mga distinct shirts ko.


dumaan ako sa malate kanina para ipahiram kay ray ang handouts sa hubehor kasi may quiz kami. di ako pumasok sa mattest para "mag-aral". bumalik ako bago umuwi kasi hihiramin ko sana kay arun ang ff vii (to find out later that he texted me that we'll have the transaction tomorrow).

everyone was, "oy, jomic!" or something like that.


hindi na kami tumuloy nina james, ian, at rowel sa sine para sa film review at sa cosca kasi tinamad kami at kailangan din nilang pumasok. para rin sana makasama ako kina lica kaso hindi rin sila natuloy. nakaboto kami ni lica sa ces. astig ang hirit niya nung dumating si kevin at pinag-usapan namin ni kevin ang quiz sa hubehor: "may none of the above kayo?" i love that girl.

Sunday, February 20, 2005

concrete

friday, nag-halo kami ng kongkreto.

saturday, nagbuhat kami ng concrete specimens.

that's quite all. syempre, kasama dun ang sakit ng katawan. all in a day's work.

Thursday, February 17, 2005

absent

hindi ako pumasok kanina dahil masama ang pakiramdam ko at parang sasama pa lalo kung papasok ako. magtatawag sana ako sa mga kumpanya para sa proyekto namin ni ray kaso sobrang tamad ko kaya wala akong napala. not good.

isa pang dahilan kung bakit hindi ako ginanahang pumasok ay dahil hindi rin pumasok si lica. masama na nga ang pakiramdam ko, wala pang pag-asang bumuti kung pumasok pa ako.

takot ako para bukas. karma. naniniwala akong ang karma ay logical consequence lamang nga mga ginawa. guilty ako. indeed, there is something to fear. in comes faith.

ang hindi mabuti sa ganito kong pag-iisip ay lagi na lang ganito. things have to change. o kailan?

Tuesday, February 15, 2005

marion

let's nt talk about quiz results. they're sad.

hindi pumasok si lica sa soilmec kaya naisipan kong dumaan sa malate nang ma-bore ako sa study area kasi hindi naman ako nag-aaral. may rubic's cube doon na pagmamay-ari ng isang newbie. bago umuwi, pagkadaan sa prov, binalikan ko ang cube. apparently, mali pala ang pagkakaalala ko sa tinuro ni marion.

may ilang pagkakataon na tinatanong ko ang mga kaklase ko kung nasaan si marion. bigla kasing nawala--nag-shift na pala. (malamang nakalimutan ko lang o hindi sineryoso na lilipat siya.) kanina, habang nasa labas ako ng malate office, dinadamayan ni cara sa pag-solve sa geometric idiot puzzle, nakita kong papasok sa rehearsal room si marion. tumayo akong walang pag-aalinlangan at tinawag ko siya.

s-in-olve niya ang cube. sakto ang pagkakita ko sa kanya. kahapon lang, pinag-uusapan namin ni lica ang mga kasundo at di trip na kaklase. si marion nga pala.

Monday, February 14, 2005

happy day

bumili si papa ng telephone cable at nakabit na niya. this time, nakakabit na sa ceiling at permanente na. kaaliw, 10 ang ginamit na kable samantalang ilang hakbang lang ang layo. anyways, maayos na akong makaka-konekta sa internet.

friday's cramming

implied that i have to quit that proffesion. i'm not good at it anymore.

pareho kami ni lica noon na malas sa simula ng araw tapos medyo sinwerte habang umaandar ang oras.

noong sabado

pagkatapos kong kausapin si aleck (which took way shorter than i thought and way simpler than i planned), at pagkatapos ng matagal-tagal na paghihintay (as always), naglaro kami ni odessa ng badminton para sa malate sa spo cup. malamang, talo. pero may excuse ako. napalaro na kami at napagod pero warm up lang pala dapat ang ginawa namin. malay ko ba. minsan na akong mag-laro. isa pa, hindi talaga ako marunong mag-warm up.

the funny thing is, earlier that day, i expressed that i was to take a leave from malate.

medyo ok na ako kay odessa kahit na nakalimutan niya ang birthday ko.

kahapon

masakit ang katawan ko sa laro. night time was fun--looking for materials for a valentine's day gift. i-po-post ko sa tabulas ko at sa zorpia ko. ang akin palang pasasalamat kay rd para sa pag-scan ng mga retrato.

today

was a "what a day" day for me ayon kay odessa. natalo lang ako sa bet namin na haharanahin siya ng crush niyang may girlfriend. binigyan ko siya ng rose, nanood kami ng sine, bumalik sa school para sa harana nila at binigay ko sa kanya ang regalo ko, at nag-lunch (nang mga 5pm). sabay silang umuwi ni jhude and i kissed her "goodbye, till tomorrow."

may post ako tungkol sa rose adventure ko sa avocados.

anniversary nina mama at papa

ngayon kaya umuwi ako kaagad at hindi na sinamahan si lica pauwi. i have yet to "accomplish" that. ang aming paboritong family fastfood food - kfc - ang handa at kasama naming nag-dinner si budoy.


may concert bukas at may mga bandang trip ko at interesado ako sa iba. medyo masama lang ang pakiramdam ko. parang hihikain ako. siguro dahil sa semento nung friday o sa badminton nung sabado. (nakakapagod pala 'yun.)

parang friday ang feeling ang araw na ito lalo na sa school. fun occassion nga ang valentine's day sa dlsu. at ang valentine's day na ito ay mahalaga sa akin.

Saturday, February 12, 2005

avocado dialogue

wednesday, ash wednesday at chinese new year. pero may isa pang kaastigan.

sa labas ng um, sa ice monster, bumili si lica tapos ito ang narinig ko pag-alis namin:

babae: may avocado kayo?
tindera: meron.

hindi sila magsasara.

Thursday, February 10, 2005

3 down... 4 down, 1 more to go...

kahapon

hulaan sa relstri pero ok lang. kasama naming kumain si gelo at nag-reminisce kami ng high school days pero siya ang makwento. dahil ash wednesday, wala akong balak kumain ng meat kaya buti na lang at may sea food chow fan. masaya ang lunch kasama sina lica, gelo, jeff, vicky, sheila at george. somehow, na-mi-miss ko sina reggie, ray, atbp.

pagkatapos ng matagal na lecture at medyo matagal na expt. sa soromla, nagpasama muna si lica sa ice monster. pagkabili niya nangyari ang avocado dialogue of the day/week/month/basta.

hindi religious si lica kaya hindi siya nagsimba pero ako, nagsimba nang 5:30 sa pgp chapel bago umuwi. umuwi na si lica bago `yun.

palabas ng campus, nakasalubong ko si ray na may dalang plastic. nanggaling siya sa ukay-ukay na apparently, ang lagi kong nadadaanang rtw store--ang dating ly ming. (miss ko na naman ang special chicken.) dumungaw ako pagdaan ko doon at nakita sina pearl at loi. long time no see. napabili ako ng itim na t-shirt ng civil engineering students' society ng isang school na hindi ko maalala o ma-pronounce ang pangalan. hindi ko binili ang puting ocean park shirt na may panda. nagtitipid. tsaka na lang.

medyo napagsabihan ako ng nanay ko pag-uwi tungkol sa sakit. we settled it though.

pag-uwi, kumain ako ng fita para fasting at nakatulog. hindi na ako nagising para gawin ang para sa matesla.

kanina

nagising ako nang mga 2AM, nagutom, nag-internet, natulog uli. bale hindi pa rin ako productive.

pumasok ako sa soilmec nang halos walang alam at nag-quiz na umaasa.

matagal na akong hindi umaakyat sa malate. medyo uneasy ako. ang mabuti kong napala, natulungan nang kaunti si pearl at loi sa stat, natulungan si loi sa paggamit ng calcu, at nakakuha ng ilang quotes mula sa kanya.

"that's a stick. it's wood. it hurts."
"na-detopak ni jomic calcu ko."

struct2 was quite fun. naaaliw ako sa mga lesson pero kanina, sa notes ko ako naaliw. sa maigsing salita, tipid. (sa totoo lang, isang salita lang, `yun.)

pag-uwi, dahil medyo busog pa akong pumasok at nagtitipid ako, nakaubos ako ng anim na medyo maliit na monay (isang pack) at nagpaluto ng instant pancit canton. (nagpaluto. sori, hindi ako marunong magluto. i wish i did but certain circumstances and stuff hold me back.)

sa kasalukuyan

wala pa akong nagagawa sa actual report sa matesla. manyana. hindi ito maganda. at this rate, i'll probably need coffee and sleep all day on sunday.

which reminds me... valentine's day na sa lunes at anniversary nina mama at papa. occasions, occasions.

kapagod. i'll be cramming soon--i'm a professional.

Tuesday, February 08, 2005

2 down

maayos-ayos ang quiz kanina sa struct2. bukas, relstri at soromla naman.

nagpa-develop ako kanina. may sobra na namang dalawa. may badtrip na kuha kasi mababa nga pala ang shutter speed tapos lumingon ako. ghostly na hindi astig. okay lang. may magaganda namang kuha, e. hahaha.

1 down

07 february 2005

4 days to go. hindi valentine's day countdown. marunong pa naman akong magbilang. ito ang sched ko this week:

monday - recitaion sa mattest at relstri
tuesday - quiz 1 sa struct2
wednesday - quiz 1 sa resltri at pasahan ng experiment 3 report sa soromla
thursday - quiz 1 sa soilmec
friday - pasahan ng 1st report sa matesla at concrete design experiment

saturday ain't no big deal for me, really. pero sa totoo lang, ayoko lang isipin. deadline para sa third issue at araw na magpapaalam ako pansamantala sa malate. siguro kailangan kong ipaalam muna kay aleck. bahala na. naalala ko ang nawala kong ballpen. symbolic pala.


kagabi, kausap ko sa cellphone si odessa. nagkwento tungkol kay peter. hindi ko alam kung masaya ako para sa kanya o ano. in the long run, siguro magiging masaya ako para sa kanya. i miss our times together, though.


hindi kami nakapaghanda nina james, ian at rowel ng ice breaker para sa rels. buti na lang, sa friday pa.

maayos naman ang takbo ng dalawang recitation. maayos... mas akma palang sabihing maganda. i haven't felt this good about a small thing regarding my classroom life. may mga parating na problema lang gaya ng hubehor project na wala pa kaming nagagawa ni ray.


saturday is going to be fun. magsisimula ang araw kasama sina odessa, reggie, arun, anina, at cara sa spo cup. sa hapon, huling meeting sa malate for a while. then i contradict my previous statement. saturday will be a big deal. pero di ko pa rin kailangang isipin. iyon ang punong dahilan kaya ako magbabakasyon muna sa malate.

Sunday, February 06, 2005

hectic week

ang darating na linggo kaso tila wala pa akong nagawang kailangang gawin. tulog nang tulog. haha. masarap matulog, e. para kasing ang dali ng mundo. kapag maganda ang panaginip, kahit hindi totoo, ayos lang. kung pangit naman, iisipin mo na lang na panaginip lang at ok na ang lahat.

Saturday, February 05, 2005

tsugi

akala ni dustin maba-badtrip ako pero kabaliktaran. syempre, di ko maitatanggi ang discomfort ng sitwasyon but it was a learning experience and fun. "take the good along with the bad."

kaso may plano akong hindi nagawa. na-point out kanina ang lack of confidence ko sa pag-kwento kaya hindi effective. funny. in the call for me to boost my confidence, i lost it. not in writing but in quitting writing. hindi naman talaga quit kundi pagpahinga lang. priorities ang salitang gumagabay. isa pa, parang ganito ang tanong: paano kung hindi mo na siya mahal, ano ang gagawin mo?

boring party

kagabi, sa halagang P200 na binigay sa akin ni ate, nagpunta kami ni lica sa isang boring na party. i'd bash some people (yung mga organizers at yung nagpunta) but i want to be constructive. wag na lang.

Thursday, February 03, 2005

ang pagkawala ni victor ramos

ang sama ng araw ko at ang sukdulan, nawala ang parker ni victor1. no big deal. wala namang tinta yun at hindi naman akin. masaya pa nga ako na hindi yung akin talaga ang nawala. pero ang sama ng pakiramdam. ayokong nawawalan ng bagay. nawala pa sa jeep kung hindi habang naglalakad ako. wala pa akong masisi. kahit sarili ko, hindi ko masisi. basta, badtrip.

maaga pa naman akong nakauwi. maaga pa. sana bumuti ang araw ko bago matapos ang araw. subukan ko nang hindi natutulog. usually, iyon ang sagot ko pero ang nangyayari, late akong nakakapasok kinabukasan. hehe.

bukas, excited ako para bukas (maliban sa bounce-bounce music). hindi ko pa naman nakita si lica ngayon.


1parker na naiwan dito tapos inarbor ko tapos nawala pero nasa kwarto ko lang pala the whole time.

Wednesday, February 02, 2005

it's settled then

pupunta kami ni lica sa thebridge party sa friday. palibhasa may bonus. sana pumunta si dogz at si cholo para at least may dalawa akong kabarkadang makikigulo. pero ayoko talagang pumunta. 2 reasons:

1. gastos
2. walang banda pero may dj--expect bounce-bounce music1

kapag nagkukuwentuhan kami ni lica, iba ang pakiramdam ko. hindi ko maipaliwanag kaya susubukan kong gumawa ng base equation:

good + bad = good

anlabo.

hectic days are upcoming and the mood's going. i feared this would happen. kailangang hawakan ang kapalaran!



1 bounce-bounce music - tawag ko sa dance music, [bulok na] hiphop, at [bulok na] RnB

Saturday, January 29, 2005

american idiot

hindi ako bumibili ng pirated na audio cd pero naisipan kong bumili kanina. medyo badtrip kasi parang may anomalya sa P50 na presyo. owel. i'm quite richer than i used to be though poorer than i'm supposed to be. (medyo effective ang pag-iipon ko kaso medyo lang talaga.) at least nagkaroon ng excuse para magpuntang dlsu. excuse para kay mama kasi ang pinunta ko talaga doon ay hindi ang pagtimbang ng sample para sa lab kundi ang pagsama kay lica sa practice nila. hehe.

first time kong bumili ng pirated audio cd. labag kasi sa kalooban ko. may hiniritan nga ako dati, "hindi ka kasi musician." pero tuloy pa rin ang sumpa ko na hindi ako bibili ng pirated na opm.

mas trip ko ang green day kaysa incubus.

5255551

ilang araw (marami) na akong hindi makakonekta sa dlsu dial-up service. may bago palang number. paker.

Thursday, January 27, 2005

deyt

27 january 2005 5:43pm

ngayon ang araw ng leap at hindi kami um-attend ni lica. nagising ako na may kasalanan sa kanya. isang oras bago ako magising talaga, nagtext siya na sabayan ko siya pagpunta sa ccp complex para samahan sina sheila. nagkita kami sa starbucks tsaka nag-"date".

hindi ako natutong mag-bike kasi hindi kami nag-bike kahit na gusto niya sana. sa totoo lang, gusto ko rin at papunta na kami. ok lang na mapahiya ako basta para sa kanya (naks) pero hindi na rin kami nag-bike. naglakad-lakad na lang kami at nagkuha ng mga retrato. ongapala, dala ko ang kamera ko.

iniwan kami nina sheila tapos bumalik na kami sa school para sa annual physical exam. pinuntahan namin sina patrick, sheila, jeff, at vicky sa subway pero iniwan din namin uli sila doon para kunin naman ang mga kailangang data sa soromla. namatay ang cellphone ko at tila mapapatagal ako sa school kaya tumawag muna ako kay mama para sabihing hindi ako dito kakain. umakyat kami sa condo ni sheila tapos bumaba uli para kumain at magpunta sa practice nina lica para harana.

nakatulog ako habang nag-pa-practice sila. umabot ng lampas 4. parang may pasok din. umuwi na kami kaagad. pareho naming balak matulog pagdating ng bahay. apparently, hindi ko nagawa. nagutom kasi ako at nag-blog. kaaliw, naglakad ako pauwi.

ang saya. halos buong panahon pala kaming magkasama. ang dami na naman naming napag-usapan. nag-usap kami tungkol sa music preference at sa love life ng ibang tao. hehe. syempre, nasama ang love life ni odessa at ng mga kaklase namin. napag-usapan din namin ang mga barkada namin.

kahit na medyo nakakaantok, masaya ang araw na ito.

Wednesday, January 26, 2005

nga pala

(ok, astig, na-post kaagad yung p-in-ost ko via email.)

kulay tinalupan na dalandan ang buwan kanina noong naglalakad kami ni lica sa vito cruz. ganoon ang description kasi sa lecture kanina soromla, may dalandan sa mesa namin ni lica.

(napansin ko lang, medyo madalas ko nang binabanggit si lica sa mga post ko `di gaya dati.)

maraming dalawa

26 januarry 2005 9:56pm

semi-random stuff uli. (kaya ganito ang unang sentence, kasi hindi ko alam kung paano tapusin.)

ok, badtrip ang dlsu dial-up. sabi ni arun, nagbawas daw ng server computers.

sa mga nagdaang araw, medyo busy ako sa dalawang bagay: tulog at excel. napansin ko lang, mas madali na akong mapagod lately. tapos hindi ko na nagagawa ang weight routine ko. pero may mabuti namang nangyayari sa buhay ko kahit papaano. naaaliw ako sa pag-compute ng data para sa matesla at soromla (pero hindi ko talaga kinokompyut kasi sa excel ko ginagawa). ang kaso, stagnant pa rin ang study habits ko sa ibang subjects. but as usual, optimistic.

naalala ko, kahapon, medyo matagal din ang pag-uusap namin ni lica tungkol sa mga bagay-bagay. magkaiba kami ng point of view sa ilang bagay pero may compromise. hindi ko mapaliwanag. one thing, hindi kami magkasundo talaga. pero astig kaya. tsaka ang sarap niyang kausap. gusto ko kung paano siya mag-isip. iba sa iba. gusto ko siyang mag-isip kasi hindi kami talaga magkapareho.

dalawang araw akong nag-lunch ng P20 burger sa agno. hehe. tila hindi ako healty living. (bad grammar.)

ngayong linggo ang open house sa brothers' community. dalawang prayer service ang pinamunuan ko: kahapon, relsfor eh at kanina, relstri ei. ok, kahapon, upperclassmen tapos kanina, mga kaklase. muntik na nga akong hindi makilala ng prof. kaaliw. may participation ako sa sca.

dalawang tao ang hiningan ko ng pinahiram na cd: si arun at si noel. si arun, sabi, ko ipahiram niya muna kay lica para maparinig ko kay lica ang ilan sa aking music influences. dalawang beses na nilang na-no-note na nagkasabay sila sa fx papuntang school. ewan ko kung tuesday's o thursday's o thursday at tuesday. isang dahilan kaya ko pinadaan muna kay lica ang cd's, kasi napag-uusapan namin ang music at naghahanda sila para sa pagharana sa mga tao-tao para sa valentine's week sa lasalle.

kanina ko lang nalaman habang hinihintay namin ni lica, patrick at jhude ang mga kasama nila, na nasa ospital pala si noel. sa mga nakababasa nito, pakipasa ang kaalaman. pero astig, sa text, hindi pa rin nawala ang sense of humor nung tao.

natutunaw na yung ice cream.

bukas, balak kong dalhin ang camera. pupuntahan ko sina lica, sheila, atbp. sa ccp. hindi kami a-attend ng leap pero papasok kami para sa annual physical exam at para tapusin kumuha ng mga timbang para sa soromla. laging dalawang araw ang experiment namin sa soromla at matesla. medyo hasel pero masaya ako sa dalawang lab kasi kasama ko ang nag-iisa kong lab.

Friday, January 21, 2005

ununlimited

may tatlo akong ginagamit na "libre": edsamail, dlsu student's dial-up, sun cellular 24/7 call and text unlimited.

ok, napansin ko na hindi ako nakapag-blog nang ilang araw. alam ko, may ipo-post akong medyo astig pero hindi ko na maalala o hindi ko na inalala o ang dahilan talaga ng pag-blog ko dapat nang araw-araw ay para maalala ko therefore hindi ko sinadya ang paglimot dahil sadyang malilimutin talaga ako. (i love long sentences. haha.) ilang araw nang hindi magamit ang dlsu dial-up. siguro dahil leap. busy ang network at medyo mahina ang network ng dlsu. (hindi ko alam kung appropriate ang term na network. i just a civil engineering student.) yung edsamail naman, may delay sa pagpapadala ng email at madalas ding busy ang mga linya.

pwede sanang mag-post gamit ang email pero recently, kinabukasan na na-po-post o hindi natatanggap ng blogger kaya hindi ko na ginawang routine. pak.

tungkol naman sa araw ko ngayon, tinatamad akong magkwento. bullets.

* materials and testing lab. lab ko talaga ang subject na yun.
* spo night
* bday ni nina

ongapala, yung sun cellular 24/7 thing, hindi ko nagagamit kasi wala akong pera. hahahaha. pero medyo swerte ako kasi karamihan sa mga taong naka-sun, hindi magamit ang sim mula kanina. "binigyan" pa ako ni mig ng P150 regular load.

Wednesday, January 19, 2005

malas day

papuntang school, may isang hindi kaibahan sa mundo--wala akong nakitang sasakyan na may 69. therefore, may posibilidad na malas ako. (walang hihirit ng malas ka kung iisipin mong malas ka. alam ko `yun. pero ang korni kayang isipin.) may mga plaka namang 6X9 at may 96 pero iba pa rin pag 69.

pagdating sa school, umakyat ako sa classroom. wala pa si sir kaya medyo relieved akong pumasok dahil late na ako. "shet," sabi ko sabay ngiti para di masyadong nakakahiya. sa m113 nga pala kami dapat.

di ako pumasok sa relstri kasi gutom ako at hindi ako nakapagdala ng id picture at hindi ko nabasa ang required reading (kasi nga, ang boring). malas na naman pero medyo natakasan ko. nababawasan na.

nilibre ko sina reggie at ng lunch tapos si loi ng isang tropicana. apat na piso ang natira sa akin. nabuhay na naman ako dahil sa atm. medyo malas.

sa soromla, sa madaling salita, malas kami ni lica sa "paglilinis" ng soil sample. buti na lang, dahil mali ang ginagawa namin, si sir tonie na ang tumapos at pagkaraan ng experiment (part 1), ok naman ang lahat.

nakitext si lica pero pagkabigay ko sa kanya ng phone, battery empty. no big deal kasi pwede namang ilipat ang sim. pero kahit na.

hindi lang ako minalas noong singup sa noong ubreak.

sa pagdaan ng oras, humupa na ang malas. sa paglalakad ko pauwi, nakakita na uli ako ng sign of hope. gutom ako pag-uwi kaya kumain ako ng masarap na cake.

wala naman talagang malas. iniisip lang natin iyon, e. pero masayang laro ang larong malas. haha.

Tuesday, January 18, 2005

nag-post ako sa angprosa pero hindi prosa. tila iibahin ko ang title nun.

happy day

mahaba-habang post ito.

nagsing ako sa kanta ng nanay ko. maaga akong nagising para magsimba. maginaw. malamig ang enero. maginaw talaga. halos hindi ko makayanan. nanibago ako. hindi ako madaling ginawin noon.

pumasok ako pagkakain ng agahan. sa buendia, habang naghihintay ng jeep, nainip ako at gininaw kaya naglakad na ako papuntang school. wala pang tao sa booth kaya umakyat muna ako sa office kung saan naghahanda sina carlos, nopc, jo, at aleck para sa booth, at nagbasa ako ng article para sa rels pero ang boring ng article kasi hindi ko ako nagagalaw ng language na ginamit.

nagtrip kami sa booth nina reggie. ang paborito ko ay ito:

i will love you endlessly joy sia
singh

pumasok na ako kaso wala si mr pavlovic. dumating si lica at may inabot sa aking paperbag na ang laman ay sketch ng gradpic ko na naka-frame sa mga popsicle stick. gawa niya. lost for words.

nag-signup kami para sa leap. pagkatapos ng mahigit isang oras, napagkasunduan na soccer ang papasukan namin.

nilibre ko sina lica, sheila at patrick sa pizza hut tapos pumasok na kami sa struct2. medyo badtrip ang resulta ng diagnostic test (kasi medio ang score). patalo talaga. napagpalit ko ang dalawang values. tama naman ang lahat ng ginawa ko pero iyon pala ang dahilan kung bakit mukhang ewan ang moment diagram ko.

sa discussion, tinawag ako sa recitation at hindi ko nasagot ang tanong. (pinagawa ako ng fbd na isang equation lang ang gagamitin para makuha ang...shet...nakalimutan ko ang tawag...basta, required force.) sa sumunod na example, bumawi ako. nagtaas pa ako ng kamay. bibo. hehe. sabi ko kay wang, ma-pride akong tao, e. later example, syempre, mas mahirap. (o mas trickky. hindi naman mahirap, e.) walang gustong sumagot. tinuro ko kay lica kung paano. nagtaas ako ng kamay tapos nagturuan nang tumingin si sir, nagturuan kami. hehe. sya ang pinapunta sa board. syempre, hanga silang lahat sa girlfriend ko.


salungat sa trip ko, maraming may alam na bday ko ngayon, lalo na sa sca. ang daming nag-text. hindi ko inasahan. oh well. masayang mabati. nakakatuwa ring isipin na medyo maraming beses din akong binati habang naglalakad kami ni lica.


bago umuwi, nagpasama sa akin si lica sa red ribbon. i expected something pero nakalimutan ko. marahil ay dahil dumaan muna kami sa booth at nandun si arun--maraming katatawanan. dumaan nga pala kami sa booth kasi kinailangan kong kausapin kahit sino tungkol sa spo cup games na tinext sa akin ni ck nang madaling araw. (sa kasalukuyan, hindi ko alam kung anong nangyari.)

dumaan kami sa red ribbon, pinaghintay niya ako sa bench tapos pagdating niya, "happy birthday," habang inaabot sa akin ang isang box ng cake. chocolate mousse. paborito ko.

dahil dun, hindi na ako naglaro at ayoko namang maglaro. umuwi na ako at tinext ang mga tao na hindi ako makakarating.

dito sa bahay, lahat ng tao ay naaliw sa drawing sa akin at sa cake (syempre) at sa nagregalo.


ang saya ng araw na ito. babalikan ko ito bilang isa sa pinakamasayang araw sa taon. tama nga ako sa sinabi ko noon sa kamag-anak ko. may tatlong pinakamasayang araw sa taon at ang kaarawan ko ang isa doon.

(darn. hindi pala happy ending. pero umaasa pa rin ako.) may na-miss lang ako. ang daming may alam na bday ko ngayon, kahit sina bogs, kahit sila sa malate. pero dati, isa lang sa malate ang alam kong nakakaalam ng bday ko...at na-miss ko siya. tapos oo nga pala, may galit pa ako sa kanya. sana humupa na. wow, may birthday wish ako. wow, may wish ako. wish granter ako para sa iba. sino kaya ang wish granter ko?

Monday, January 17, 2005

reformat

galit pa rin ako sa kanya. bale may ibang paraan na ako para manatili siya sa puso at isip ko. (ilalagay ko rin ang next sentence sa zorpia ko. astig kasi, e. hehe.) sa pagtanim ng galit, kasama pati alaala.

kinakabahan ako pag ginagamit ko ang testtype. parang masisira. medyo ang tagal na nitong pc kahit na medyo well maintained. flashback lang. dalawang 20gb hd na ang nasira dito; mula sa s3trio3d/2x hanggang sa s3savage4, naka-asus v3800m nvdia tnt2 m64 na ito; ilang 200watt at power supply na ang bumigay (tatlo yata) kaya naka-350watt (yata) atx; (on periferals) napalitan na ang dating serial mouse na may third button sa gilid; na-scrap na ang dating epson printer na hindi ko na maalala ang model.

antagal na nitong testtype. kung madali lang ang pera, naka-2.2 GHz P4 na ako, 256mb ram, ati radeon 9...something...something, cdrw / dvd-rom, 80 gb seagate barracuda, flatscreen lcd monitor, optical wireless mouse, hp 3 in 1, altec lansing speakers, logitech wingman, windows xp home na orig, bluetooth, infrared, webcam, mic, 56k modem na gaya ng sa testtype (conexant msp3880..o aztec ba yun?), creative sound blaster sound card, astig na casing at keyboard pero hindi black, at ide cables na pabilog. teka, hindi ko na-specify yung board. basta, kung ano man ang pwede yung above at syempre, agp 8x capable. syempre may floppy drive yan at isa pang hd na 10 gb siguro. kung nagtataka ka nga pala kung bakit 2.2Ghz at 256mb ram lang, iyon ay dahil ang hypothetical statement ay sa hypothetical past. pero mahal ko itong testtype. patatagalin ko pa ito.

years from now, buhay pa rin itong now almost 5-yr old pc. p3 600E MHz sa zx98-at na tomato motherboard (may tomato motherboards pa ba ngayon?), 128 sdram, 32mb asus v3800m tnt2 m64, als4000 16bit soundcard, aztec/conexant 56k internal modem, 20gb hd, 4gb hd, generic floppy disk drive, 350watt atx power supply, at-mini tower casing, likom 15" monitor, violet win98 keyboard, standard a4tech two button ps/2 mouse, hp deskjet 3550. yung cd rom, ewan ko lang. hehe. oo nga pala, violet ang keyboard ko pero hindi yung bading na violet. yung dark na violet kaya rin tinawag kong testtype ang pc na ito.

matagal na nung huli akong nag-reformat. sana hindi ko kailanganin. nung huling sira, pinag-isipan ko pero hindi na ako sanay mag-reformat. teka, nakaka-dalawang reformat pa lang ata itong hd na ito. sana hanggang dalawa lang.

on the other had, 11:05 na pala. sabog na ang sleeping and waking habits ko. sana ang buhay ay parang harddisk na kapag sobra na ang problema sa system, pwede mong i-reformat. hindi lang sleeping and waking habits ang sabog sa akin. pati thinking, dreaming, writing. sana, ma-reformat ko ang buhay ko. bukas, another turning point. malapit na. una sa tatlong pinakamasayang araw sa isang taon. sana nga.

neat freak

gising pa ako dahil natulog ako nang hapon at medyo matagal din ang pagtulog ko. naisip ko na kaya pala ako natulog ay dahil badtrip ako sa isang kaibigan. totoo na ito. (sinabi ko kasi dati sa sarili ko na badtrip ako sa kanya pero lumaon din. ngayon, kung mag-uusap man kami, di na ako magsisimula; kung magkikita kami, hindi na ako ang maghahanap.)

anyways, para akong may sakit. inayos ko kagabi ang mga gamit ko para sa klase mamaya. what's happening with the the world?!

susubukan ko nang bawasan ang katamaran at mas pairalin (pero konti lang kasi nakakatakot) ang aking inner perfectionist. malapit na ang kaarawan ko. resolution ko siguro ito. it's final then--di ko siya kakausapin, hahanapin. sorry. kapag nasaktan ka talaga, masakit. (wow, words of wisdom.)

Saturday, January 15, 2005

this is...mortifying

pero bago iyon, may basag sa salamin ng relo ko. sa bandang 6, sa loob. maayos pa ang surface kaya nagtataka at naaaliw ako sa basag.

ito...

nabuhay ako sa katangahan! grade six yata ako o highschool na nang palitan ang mga coins ng bangko sentral ng pilipinas (aka boy scouts of the philippines). hanggang kanina, ang paniniwala ko ay 5sentimo ang pinakamaliit na denomination. pero hindi pala! may isang sentimo pala! bakit?! bakit ngayon ko lang nalaman?! bakit ngayon lang ako nakakita, nakahawak ng isang sentimo?!

moon river

nakakaaliw ang kantang iyon tapos narinig ko sa lovers in paris. (defensive mode: narinig ko kasi malapit ang pc sa telebisyon.) ang ganda ng effect ng music. bagay pa sa title. nakakatangay. napahanap tuloy ako ng mp3. hehe.

Friday, January 14, 2005

got a new pair of specs

at medyo sana tumagal nang matagal at sana hindi magasgas, mawala, mabali ang frame, o kung ano mang pinsala.

kaaliw nga pala kanina. sa matesla, may mga experiment kami (malamang!) pero hindi ko alam ngayon kung paano ipahayag sa tagalog. anyways, kagrupo ko kanina sina mig at syempre, si lica. as usual, basta kasama ko siya, masaya ako.

nung kinuha ko yung salamin ko, naglakad ako mula sa bahay hanggang sa quad at pabalik. dumaan na rin ako sa greenbelt chapel pabailk. tapos, dumaan na naman ako sa romantic walkway. sa greenbelt park. and as usual (ok, dalawang beses ko nang nagamit iyon sa magkasunod na paragraph), mag-isa ako at may iniisip.

ang huling trip ko ngayong araw na ito ay ang paglakad ko sa mga...tubo ba yun...anyways...long cement/concrete (di ako sigurado) cylinders sa sidewalk sa labas ng dbti. doon pa ako dumaan pauwi para magawa iyon. papuntang quad pa lang, pinaplano ko na. hehe. parang bata. pero ok lang.

Wednesday, January 12, 2005

sensors - online, weapons systems - online, all functioning systems - nominal

ok, hindi ko na-blog ang daily life ko. nasira kasi ang testtype. matapos ang ilang attemps at kamalasan, naayos ko na rin kanina.

anyways, ang naaalala kong mga significant na pangyayari ay ang debut ni odessa noong sabado ng gabi, ang mga school day kasama ni lica, lunch namin ni lica kahapon kung saan medyo mahal ang binili niya at nagulat kami dahil P25.00 lang ang binili ko, at ang "charm theory of jomic" also known as "charm of jomic theory" na kinukwento ko kay cara.




may mga utang ako sa prose:

arun - di ko pa nababasa ang pinabasa niya sa aking bago niyang kwento.
aleck - kwento kong hindi ko pa na-re-revise at kwento kong hindi ko pa nasusulat.
linnzi - kopya nung gusto niyang basahin.
rose - ending nung kwento ko na tine-text ko sa kanya.




may gagawin pa akong psychological tests para kay yaluts kaya hanggang dito na lang.

Thursday, January 06, 2005

post naman para sa araw na ito

badtrip yun, a. hindi na-post yung post ko kahapon. owel.

nagsimula ang araw sa pagpunta namin ni mama sa doktor para magpatingin ng mata. kailangan ko ng bagong salamin. ang sakit ng ulo ko ay dahil sa stress. 11 na dumating yung doktor kaya na-late ako sa soilmec pero ok lang ang attendace kasi si pavlovic ang prof at sakto, pagkadating ko, kapapasa lang niya ng papel.

pero bago umakyat sa klase, iniwan ko muna sa locker ko ang regalo kay gray wolf at sa lucker ni sunny ang regalo kay tiger sun. iyon lang ang inakyat ko sa office.

gaya ng sa geology dati (na same time, iba lang ang room) medyo boring ang soilmec pero na-ti-trigger ang interest ko sa ilang bahagi. si edron nga, katabi ko, nag-bi-bilyar lang sa cellphone.

sinamahan ko si lica sa accounting office para magbayad tapos nag-lunch kami kasama si jhude at may pinag-usapan silang problema nila. hanga talaga ako sa girlfriend ko kasi siya ang handang magsakripisyo para magkaroon ng kaayusan. pero habang tahimik ako, nakikinig, nag-iisip ako ng solusyon.

pagkatapos ng lunch, pumasok kami ni lica sa struct2 at gaya ng dati, pwede sana akong magpaka-bibo pero parang kalahati lang ng kapangyarihan ko ang ginamit ko. hindi pa rin pala ako nagbabagong lubusan.

pinuntahan namin si patrick sa klase niya pero umuwi na pala kaya umuwi na kami. nabigay ko na rin ang regalo ko sa kanya. sasabay sana ako sa kanya sa lrt pero nagtitipid ako tsaka kailangan ko ng exercise. buti rin kasi antraffic sa pasay road. hasel kung nag-lrt pa ako tapos nag-jeep. mag-lalakad din naman ako. buti nang nag-routine tipid trip home na ako.

sa bahay, routine. wala pang assignment. excited na ako. hehe.

am i going to blog my daily life?

okey, hindi na-post nung pinost ko via email. sayang naman kaya eto:

Wed, 5 Jan 2005 19:16:31

ewan. bahala na. pero mukhang astig. since instinctual (pero talaga, ang hina ng english ko. may salita bang ganun?) ang pagbukas ko ng pc pero wala naman akong gagawing mahalaga, dalawa lang ang pwede kong gawin nang constant - mag-check ng email at mag-blog. i'm looking at doing routines this new year, this new term and this new age... hehe. malapit na ang bday ko.

sabi nila, wala naman talagang panahon para magbago o mag-ayos ng magulong buhay. pero maganda rin naman ang may trigger. pwede nating tingnan ito bilang isang random thing.

regarding my day, masama ang simula. kung titingnan, medyo kaninang madaling araw ang nakaraang blog entry. dahil sa sakit ng katawan paggising nang 6:09 am (sakto yan kasi may dalawa akong alarm na saktong 6:09 tapos isa, medyo 6:09) at nang mga 8:00 am, 9:30 na ako bumangon. kailangan. medyo 9:20 ang pasok ko. hindi na ako nakapasok sa first class ko.

kaklase ko si ray sa hubehor at sa relstri. parehong sa mm23 at medyo takot nga ako sa ilaw. bago mag-lunch, pinabigay muna ni odessa ang imbitasyon ni pearl para sa sabado.

(tila hindi na ako nakakakakita ng mga tao. ako ang nakita ni odessa at maya-maya, ako ang nakita nina lica at patrick nung hinahanap ko sila.)

lunch sa gp kasama nina ray, rose, dandi, pb, ato at reggie. pero kami lang ni ray ang nag-hati sa sisig kasi kumain na sila.

boring ang soromla tapos nag-a-adjust pa si lica kaya lonely ako. pagkatapos ng klase hinanap ko sina lica at patrick pero ako ang nakita nila. nagkasalisi pa kami nang ilang beses kasi hindi ako sanay na nakatigil lang.

dahil medyo nililimitahan ko ang pagtanaw ko sa paligid ngayon, napansin ko na wala pala akong nakitang sign of hope - 69 sa plaka ng sasakyan o sa kahit ano. noong naglalakad ako at nag-iisip tungkol sa ilang moral issues, sa last leg ng aking lakad pauwi, may sasakyang lumiko sa kanto at may 69 sa plaka. astig.

habang pauwi, namroblema na naman ako dahil wala pa ang regalo ko para kina cara at sunny. mahal kasi, e. may bago akong trip. nag-palit ako sa kwarto ko nang nakapatay ang ilaw para tipid sa kuryente at iwas sa ilaw. may napansin akong supot at astig! binuksan ko ang ilaw at ang laman ng supot ay tatlo nung items na balak kong iregalo sa aking comrades. apparently (teka, natawa ako sa apparently. isa sa mga paborito kong salita yan sa mga reaction paper), binili ng mama ko sa halagang P100.00 tatlo nung nagpunta siya kanina sa baclaran. i love my mom.

bukas ang feast ng three kings dati (kasi ngayon, every 1st sunday after new year na) kaya sakto, bukas ko ibibigay ang regalo ko kina cara at sunny at kay lica (iba sa regalo ko kina wolf at sun). a note: hindi ako talaga nagreregalo. kataon lang, sinabi ko sa kanilang dalawa, reregaluhan ko sila tapos may naisip pa akong astig na symbolism sa regalo. pero parang gusto kong magregalo sa bday ko. bahala na.

Wednesday, January 05, 2005

i might as well create a post

since the internet connection is at 33600bps and i'm downloading an mp3 and with three browser windows loading forever. pero sa filipino na lang para hindi ako tunog arun. (asa pa.)

tila gising pa ako. teka, unang post ko ba ito ngayong taon? anyways, happy new year. 800x600 pa rin. mediocrity? contentment maybe and optimization. hindi na ako mag-e-elaborate kasi nakuha ko ang ideya na palawigin ang isang joke tungkol sa resolution.

isang run down lang ng mga mahahalagang pangyayari. saan ba ako magsisimula?

na-asthma ako tapos gumaling pagkatapos ng medication.

nag-jamming kami kina goey (thad, joey, venjo, cholo, domeng bilang manager at ako malamang) tapos nag-overnight kina yaluts (dogi, domeng, malamang! si yaluts at ako) noong 28-29 kaya hindi na ako nakasama kina cara sa tagatagay.

na-migraine ako noong 30. teka, sa kasalukuyan, ako'y nalilito sa mga araw kaya di ko na lalagyan. anyways, sumakit ang ulo ko kaya kinailangang dalhin sa doctor at saksakan ng kung ano para tumigil sa pagsusuka.

may bago akong dual sim na manipis. kung hindi ako nagkakamali, noong 31 ito binili. tapos sumakit uli ang ulo ko.

ang reunion noong a-uno pero nasa kwarto ako dahil sa sakit ng ulo. pagkatapos ng reunion, dinala ako sa makati med mula sa payo ni dr paclibar. sa makatimed, sinabi na malamang migraine pero sinabi na yun ni tito feds nung thursday pa lang at nung libro nung huwebes din.

sunday, monday, ok pero takot ako sa ilaw. nakapagbayad na rin ako. tuesday naman, "kanina", nabawasan ako ng malaking halaga ng pera.

nakabili na ako ng susuotin para sa debut ni odessa sa sabado tapos nagkita kami ni lica pagkaraan. medyo tahimik lang kami kasi tahimik naman talaga kami. hindi ko muna binigay ang christmas gift ko sa kanya na "kanina" ko rin lang binili kasabay ng Utos ng Hari atbpng kwento.

tapos na ang download kaya tapos na rin ang post. andami kong magagandang ideya para i-blog pero sorry na lang. hehe.