Saturday, June 18, 2005

wala akong maisip na isang salita

(hindi ko ito na-post noon)

// two weeks

third week na ng pasukan. sa nakalipas na dalawang linggo, wala masyadong ginagawa. nothing urgent and important kaya hindi stressful. (natutunan ko yan sa leadership training seminar noong sabado bago mag-pasukan.)

kung may responsibilidad man ay ang pabalot libro ng ces last week at ang weekly meeting ng core tuwing thursday ng gabi. masayang magbalot ng libro kasi hindi kailangang high quality. ngayon ko rin lang nabalutan ang sarili kong libro at medyo malapit naman sa gawa ni papa.

ok sana ang pagiging officer ng ces pero nabawasan na rin ako ng magkano dahil sa late at tila mag mga hindi pagkakaunawaan sa loob na masama ang madudulot at wala akong magagawa. isang bagay ang maging concerned pero iba ang maging epal.

this week naman ang malate recruitment. mas kaunti ang responsibilidad. wala nga talaga, e. hiya ko na lang iyon sa isang samahang malaki ang nabigay sa aking katauhan. mas nakakahiya pa dahil sa tinext sa akin ni soyster noong minsan na isa akong senyor na patnugot.

tungkol sa amin ni lica, ang masasabi ko lang ay nag-e-enjoy kami sa aming relasyon. ngayong araw na ito, susubukan kong hindi muna isipin ang malayong hinaharap. ang mahalaga sa ngayon ay ang ngayon. bukas na ang bukas.

kina thad, sa banda, naudlot ang unang praktis ngayon dahil hindi nakakapag-practice si joey. mula next week, dadalasan namin ang practice sa euphony. naisip ko, ok na ang P50/week kung gusto naming gumaling at umunlad bilang isang banda, at balang araw, may marating dahil doon. //




walang akong maisip na isang salita sa sakto sa nakalipas na tatlong araw. pero sa mga nagdaang araw, sira ang switch ng avr kaya ayokong buksan dahil sa spark `pag sinasaksak. kapag minsan lang, ok lang pero `pag dumadalas, delikado na.

huwebes

late akong dumating sa rcprins at masama ang pakiramdam ko pagkatapos dahil sa di kasiguraduhan sa quiz.

napasali ko si lica sa sca at sumali din siya sa englicom para raw may mailagay sa yearbook. ako naman, kukuha na rin ng yearbook dahil kukuha na rin sila. nag-usapan uli namin ni lica ang aming relasyon bago siya umuwi.

hindi ako nakapag-lunch dahil hinintay ko sina sheila pero hindi rin kami nag-lunch. kami lang ni sheila ang gumawa ng experiment sa lab dahil nawala si george. nang dumating si george, ginawa niyang mag-isa ang experiment. gutom na gutom na kami. bago umuwi, kumain muna kami sa agno. hindi na ako pumunta sa meeting ng ces core. kwelang kasama sina sheila at george. pagkain ang pinag-uusapan namin ni george habang naglalakad.

biyernes

late akong dumating sa thesis seminar na hindi ko naalala at nawawala ang salamin ko. mas mataas na lebel ng kakupalan ang mayroon sa cethics. gumawa kami ni lica ng write-up para sa isa't isa habang klase. kinuha ko sa kodak ang pinarecopy niyang picture habang nasa quanmet class siya para makumpleto na requirements niya.

tinuloy namin ang pag-uusap namin at ok pa rin naman kami. medyo magulo lang gumalaw sa mundong may mga termino para sa mga bagay-bagay.

hindi ako naka-attend ng unang prayer meeting dahil tinatamad ako at hindi pa ako handang bumalik. baka kasi ma-culture shock ako o baka hindi na lang ako sanay. buti na lang dahil mukhang sasakit ang ulo ko dahil sa hindi ko pagsuot ng salamin.

pag-uwi, nagluto ako ng instant pancit canton para pampakalma na rin dahil umiinit na ang ulo ko sa nawawala kong salamin. maya-maya, pagkatapos ng hapunan, nahanap rin sa ilalim ng platerang pinaglagyan ko noong huwebes.

mainit ngayong mga nagdaang araw. sa hindi paggamit ng pc at para hindi maging badtrip ang ok na, nag-aircon ako sa pagtulog. nakatulog ako kaagad sa tulong na rin ng kahinaan ko sa brandy. konting nakaw na inom lang sa baso ni papa, nag-iba na kaagad ang pakiramdam ko. ewan ko kung hindi na lang ako sanay o napatunayan ang napatunayan na noong mga pagkakataong sumuka ako pagkainom ng brandy.

nakakahinayang ang hindi ko pagkaalam ng inuman pero ok na rin kasi matagal na akong hindi nakakainom at delikado na. may quiz ako noong araw pagkatapos.

sabado (169th day of the year)

sayang ang pamasahe at mali pa ang nakuha kong sukli. mahirap ang nakakalimutang wala palang dalang barya. magbabayad sana ako para sa g&w pero sarado ang accounting office. kesa hintayin ko, umuwi na lang ako. wala rin ang bibilhin ko na lang sanang notebook. ang naging saysay na ng biyahe ko ay ang casing ng cellphone ni ate.

tinatamad pa akong mag-aral kaya sumama na lang ako kay papa sa raon sa pagbili niya ng switch ng avr. paker. sana pala talaga bumili na ako ng strap kasama ng bass. P200 yung fernando na strap na nabili ko. hindi pa matawaran. mahina rin ako sa ganun. kaya ngayon, P4000 ang gastos ko sa pagiging bassist. mukhang malabong P6900 lang ang magagastos ko sa lahat-lahat. sana may mahanap akong magandang bass amp na papayag na 2900. bahala na.




gusto ko sanang magsulat tungkol sa mga pangyayari sa bansa ngayon. pero pwede namang sabihin na lang na magulo. hindi pa sayang sa oras.

No comments: