papuntang school, may isang hindi kaibahan sa mundo--wala akong nakitang sasakyan na may 69. therefore, may posibilidad na malas ako. (walang hihirit ng malas ka kung iisipin mong malas ka. alam ko `yun. pero ang korni kayang isipin.) may mga plaka namang 6X9 at may 96 pero iba pa rin pag 69.
pagdating sa school, umakyat ako sa classroom. wala pa si sir kaya medyo relieved akong pumasok dahil late na ako. "shet," sabi ko sabay ngiti para di masyadong nakakahiya. sa m113 nga pala kami dapat.
di ako pumasok sa relstri kasi gutom ako at hindi ako nakapagdala ng id picture at hindi ko nabasa ang required reading (kasi nga, ang boring). malas na naman pero medyo natakasan ko. nababawasan na.
nilibre ko sina reggie at ng lunch tapos si loi ng isang tropicana. apat na piso ang natira sa akin. nabuhay na naman ako dahil sa atm. medyo malas.
sa soromla, sa madaling salita, malas kami ni lica sa "paglilinis" ng soil sample. buti na lang, dahil mali ang ginagawa namin, si sir tonie na ang tumapos at pagkaraan ng experiment (part 1), ok naman ang lahat.
nakitext si lica pero pagkabigay ko sa kanya ng phone, battery empty. no big deal kasi pwede namang ilipat ang sim. pero kahit na.
hindi lang ako minalas noong singup sa noong ubreak.
sa pagdaan ng oras, humupa na ang malas. sa paglalakad ko pauwi, nakakita na uli ako ng sign of hope. gutom ako pag-uwi kaya kumain ako ng masarap na cake.
wala naman talagang malas. iniisip lang natin iyon, e. pero masayang laro ang larong malas. haha.
No comments:
Post a Comment