Tuesday, January 18, 2005

happy day

mahaba-habang post ito.

nagsing ako sa kanta ng nanay ko. maaga akong nagising para magsimba. maginaw. malamig ang enero. maginaw talaga. halos hindi ko makayanan. nanibago ako. hindi ako madaling ginawin noon.

pumasok ako pagkakain ng agahan. sa buendia, habang naghihintay ng jeep, nainip ako at gininaw kaya naglakad na ako papuntang school. wala pang tao sa booth kaya umakyat muna ako sa office kung saan naghahanda sina carlos, nopc, jo, at aleck para sa booth, at nagbasa ako ng article para sa rels pero ang boring ng article kasi hindi ko ako nagagalaw ng language na ginamit.

nagtrip kami sa booth nina reggie. ang paborito ko ay ito:

i will love you endlessly joy sia
singh

pumasok na ako kaso wala si mr pavlovic. dumating si lica at may inabot sa aking paperbag na ang laman ay sketch ng gradpic ko na naka-frame sa mga popsicle stick. gawa niya. lost for words.

nag-signup kami para sa leap. pagkatapos ng mahigit isang oras, napagkasunduan na soccer ang papasukan namin.

nilibre ko sina lica, sheila at patrick sa pizza hut tapos pumasok na kami sa struct2. medyo badtrip ang resulta ng diagnostic test (kasi medio ang score). patalo talaga. napagpalit ko ang dalawang values. tama naman ang lahat ng ginawa ko pero iyon pala ang dahilan kung bakit mukhang ewan ang moment diagram ko.

sa discussion, tinawag ako sa recitation at hindi ko nasagot ang tanong. (pinagawa ako ng fbd na isang equation lang ang gagamitin para makuha ang...shet...nakalimutan ko ang tawag...basta, required force.) sa sumunod na example, bumawi ako. nagtaas pa ako ng kamay. bibo. hehe. sabi ko kay wang, ma-pride akong tao, e. later example, syempre, mas mahirap. (o mas trickky. hindi naman mahirap, e.) walang gustong sumagot. tinuro ko kay lica kung paano. nagtaas ako ng kamay tapos nagturuan nang tumingin si sir, nagturuan kami. hehe. sya ang pinapunta sa board. syempre, hanga silang lahat sa girlfriend ko.


salungat sa trip ko, maraming may alam na bday ko ngayon, lalo na sa sca. ang daming nag-text. hindi ko inasahan. oh well. masayang mabati. nakakatuwa ring isipin na medyo maraming beses din akong binati habang naglalakad kami ni lica.


bago umuwi, nagpasama sa akin si lica sa red ribbon. i expected something pero nakalimutan ko. marahil ay dahil dumaan muna kami sa booth at nandun si arun--maraming katatawanan. dumaan nga pala kami sa booth kasi kinailangan kong kausapin kahit sino tungkol sa spo cup games na tinext sa akin ni ck nang madaling araw. (sa kasalukuyan, hindi ko alam kung anong nangyari.)

dumaan kami sa red ribbon, pinaghintay niya ako sa bench tapos pagdating niya, "happy birthday," habang inaabot sa akin ang isang box ng cake. chocolate mousse. paborito ko.

dahil dun, hindi na ako naglaro at ayoko namang maglaro. umuwi na ako at tinext ang mga tao na hindi ako makakarating.

dito sa bahay, lahat ng tao ay naaliw sa drawing sa akin at sa cake (syempre) at sa nagregalo.


ang saya ng araw na ito. babalikan ko ito bilang isa sa pinakamasayang araw sa taon. tama nga ako sa sinabi ko noon sa kamag-anak ko. may tatlong pinakamasayang araw sa taon at ang kaarawan ko ang isa doon.

(darn. hindi pala happy ending. pero umaasa pa rin ako.) may na-miss lang ako. ang daming may alam na bday ko ngayon, kahit sina bogs, kahit sila sa malate. pero dati, isa lang sa malate ang alam kong nakakaalam ng bday ko...at na-miss ko siya. tapos oo nga pala, may galit pa ako sa kanya. sana humupa na. wow, may birthday wish ako. wow, may wish ako. wish granter ako para sa iba. sino kaya ang wish granter ko?

No comments: