bitbit ko ang t-square ko kanina sa school. gagamitin sana namin panukat para sa posicle stick bridge pero hindi rin namin ginawa kasi hindi kami namin napag-usapan. gumising akong iniisip na hindi maganda ang araw na ito. pero minsan, kahit alam mong di mabuti ang para sa iyo, kaya mo pa ring baguhin. kailangan mo lang patawarin ang sarili mo. (i'm speaking for general cases here.)
good thing 1 - madali ang enrollment. hindi ako naka-enroll for summer pero ok lang--tipid naman.
bad thing 1 - hindi na naman ako pumasok sa hubehor.
good thing 2 - pay-off ng paggawa ng computations sa soromla. madali ang exam.
bad thing 2 - bagsak sa report no. 1 sa matesla.
good thing 3 - pakiramdam ko, masaya si lica.
bad thing... wala na... everything bad becomes easy load.
on the weapon, nakita ako nina cara (grey wolf) at sunny (tiger sun) dala ang sandata. quite as i expected kasi kahit na "by chance" ang pagkikita namin, ako ang unang nakita nila. naglakad ako halfway pauwi bitbit ang sandata na may sense of safety. the other extended half was restful.
ngayong dilim, hiling kong pagpalain ako at makuha ko ang lakas para gawin ang report no. 2 sa matesla. i need a hundred to regain my grade and my pride. naalala ko, hindi ko natanong si sir tanhueco kung siya ang prof ko next term sa ceflume at ceflula. in a way, may kasunduan kami na patutunayan ko sa kanya kung gaano ako katalino.
lahat ng bagay ay kaya basta alam mong gamitin ang iyong sandata.
No comments:
Post a Comment