huwag naman sanang maudlot kahit na may parang malas na kapag binabalita ang isang bagay o inaasahang lubos, hindi natutuloy. ok na sa akin ang presyo. baka sa sabado, bibilhin ko na yung bass sa raon. medyo kulang pa ang pera ko. pero may posibleng solusyon.
ang magpapaudlot lang noon ay ang hindi magandang resulta ng mga grade sa friday. kanina, pagkabili ng gatas pagkagaling sa raon, dumaan ako sa simbahan. iyon na lang ang kaya kong gawin sa ngayon--umasa sa taas.
si menard, nakabili na rin ng classical guitar. sa sabado talaga, babalikan namin `yung bass. not exactly. parang mas ok `yung isang black na may design kaysa dun sa plain na blue.
malas daw magbilang ng pera `pag gabi. ang tangging nakikita kong rason, madilim, baka magkamali. kaninang umaga ko sana bibilangin ang laman ng isa sa tatlo kong matataas na alkansya. (walang laman yung dalawa.) binalik ko rin maliban sa mga tig-25c na nilipat ko naman sa bote para sa pondo ng pinoy.
mataas na halaga na rin ang nabilang namin ni mama para sa mg barya-barya. hindi ko maalala kung kailan ko sinimulang lagyan iyon. pero nakuha ko iyon noong 7th bday ko sa jollibee. siguro, mga 4 years ago talaga ako nag-ipon sa alkansyan iyon.
pwedeng-pwede sanang pandagdag sa bass budget kaso korni ang alkansyang walang laman. ang balak ko, punuin pa uli pati ang dalawang iba pa. gagastusin ko na lang siguro ang mga ipon ko pag nagpalit na ng pera. emergencies considered but not expected. naalala ko tuloy `yung P690 ng 4th yr high school.
money, money, money. ang malungkot lang, sa mundo ngayon, kulang pa rin iyon. buti na lang, hindi ako mahilig doon.
No comments:
Post a Comment