Thursday, May 05, 2005

araw ng isda sa lata

isa sa mga dahilan kung kaya ngayong gabi ko lang tinala ang tungkol sa katuwa-tuwang araw na ito ay dahil hindi ako mapakali kung sardinas o tuna. pero pareho. napansin ko ang kaastigan ng araw sa IM window ka-chat si odessa.

bumagal ang testtype. ewan ko kung mabagal na talaga o napansin ko lang ang kabagalan. nabanggit pa kanina sa explorations sa ngc ang tungkol sa pag-condition sa utak para mag-react nang kung paano.

sa explorations kanina, tinalakay ang tungkol sa utak ng tao at sa development. hirit dun sa palabas ang "in the year 1000... in the year 2000... in the year 3000..." sayang, hindi ako aabot sa 3000. parang ang ganda pa naman ng advancements sa teknolohiya. at ang gusto ko sa palabas na iyon, hindi siya necessarily kontra sa pananampalataya ko.

kadararating ni papa galing cebu at hanggang ngayon, team building pa lang ang gawain ko sa labas. sana tuloy kami sa lucban sa sabado. sa lunes naman, kahit hindi sa labas, sana tuloy ang semi-band semi-practice namin dito -- semi-acoustic session. haha.

naalala ko ang si lica, kung paano niya inisipan ng profoundness ang kalokohang kasabihan. ang araw na ito, symbolic. sa init ng panahon at hindi ko paggalaw, isama na natin ang kakulangan ng kakayahang gumalaw dahil sa kondisyon ng bulsa at katawan, para nga akong isang isdang nalagay sa lata.

happy canned fish day!

No comments: