dalawang pakay sa pagpunta sa dlsu ngayong araw na ito: (1) secure clearance and claim eaf kasama si lica, (2) ces core meeting.
sa meeting na nagsimula nang 9:30, dumating ako nang 10:30. marami-raming napag-usapan at tila mahahalaga. mukhang mas trip ko ang mga meeting sa ces kaysa malate. less pressure but seemingly more productive despite greater amounts of distractions. balak ko sanang gawin ang gaya noong nasa malate eb ako, pero tila hindi ko kakayanin. sa bawat late, may bayad. ganoon din naman sa malate eb sa pagkakatanda ko (yata... may problema ako sa pag-alala. kulang sa ehersisyo ang utak, e.) pero tila mas maraming meeting ang sa ces at mas masama ang tama. mayroon pa kasing weekly fund raising na mangyayari. P10/week. tila pareho ang problema sa malate--walang pera. may mga gastos pa para sa id at membership pa rin yata. not to mention lunch during meetings. pero mas mura naman sigurong kasama ang mga ito kaysa sa malate eb. mas diverse kasi pero nandoon pa rin ang threat sa wallet.
pareho kami ni lica ng problema sa pagsama sa balak nina sheila at patrick. permiso at pera. sa totoo lang, magkadikit iyon. sa lagay ko, mahirap payagan kung walang pera. e nahihiya naman akong manghingi kaya hindi aggressive ang pagpapaalam ko. nag-hint na na di ganoon ka-agree kaya "take it as a no" na lang ako. napilitan na nga si mama sa pagbili ko ng bass kaya wala na akong laban. nakakahiya lang kina sheila pero sana maintindihan nila. besides, maraming commitments.
sa pagkuha namin ni lica ng clearance sa clinic, may sinabing ganito ang nag-attend sa amin, "anong id number n'yo? 104?" may mabuti at masamang ibig-sabihin ang mapagkamalang 2 batches lower. una, ang naisip ko (being the more optimistic), cute kami para mapagkamalang mas bata. pangala, ayon kay lica, mag-fo-fourth year na kami, hindi pa namin alam ang procedure. pero magulo naman talaga. sinunod lang namin ang sabi sa amin. owel.
ang drama sa pagkuha ng eaf ay ang makita kung magkano ang kailangang bayaran. ang driving force ko pag naiisip ko ang kalungkutan sa pagka-delay at karagdagang gastos: no use crying over spilled milk. nahilig pa naman ako sa gatas lately, pero pag natapon nga naman, punasan na lang at inumin ang natitira.
natanggap na ang credit card payment para sa edsamail ko. (via edsamail sana ako mag-u-update ng blog para sulit kaso medyo nag-hang ang testtype kanina nang dina-download ko ang realplayer. sayang ang halos isang oras. paker.) reasonable naman ang presyo pero gastos pa rin. may balak pa akong bayaran si mama at papa para sa mga credit card expenses ko. kaya sa may 5 na lang ako bibili ng spraypaint at masking tape para kay B para may pera na ako pagdating ng bayaran. ibibili ko pa si ate ng housing para sa 3660. nag-resign pa si ate kaya hindi ko na muna ako magre-reload sa sun. (masasayang ang 50cents. owel. kaysa naman P150.) balik smart (double meaning) budgeting ako. may pag-iipunan pa akong amps.
daming gastos. ang dami ko tuloy naitala.
susunod
siguro mag-aayos ako ng mga web page ko. burara, e.
No comments:
Post a Comment