26 januarry 2005 9:56pm
semi-random stuff uli. (kaya ganito ang unang sentence, kasi hindi ko alam kung paano tapusin.)
ok, badtrip ang dlsu dial-up. sabi ni arun, nagbawas daw ng server computers.
sa mga nagdaang araw, medyo busy ako sa dalawang bagay: tulog at excel. napansin ko lang, mas madali na akong mapagod lately. tapos hindi ko na nagagawa ang weight routine ko. pero may mabuti namang nangyayari sa buhay ko kahit papaano. naaaliw ako sa pag-compute ng data para sa matesla at soromla (pero hindi ko talaga kinokompyut kasi sa excel ko ginagawa). ang kaso, stagnant pa rin ang study habits ko sa ibang subjects. but as usual, optimistic.
naalala ko, kahapon, medyo matagal din ang pag-uusap namin ni lica tungkol sa mga bagay-bagay. magkaiba kami ng point of view sa ilang bagay pero may compromise. hindi ko mapaliwanag. one thing, hindi kami magkasundo talaga. pero astig kaya. tsaka ang sarap niyang kausap. gusto ko kung paano siya mag-isip. iba sa iba. gusto ko siyang mag-isip kasi hindi kami talaga magkapareho.
dalawang araw akong nag-lunch ng P20 burger sa agno. hehe. tila hindi ako healty living. (bad grammar.)
ngayong linggo ang open house sa brothers' community. dalawang prayer service ang pinamunuan ko: kahapon, relsfor eh at kanina, relstri ei. ok, kahapon, upperclassmen tapos kanina, mga kaklase. muntik na nga akong hindi makilala ng prof. kaaliw. may participation ako sa sca.
dalawang tao ang hiningan ko ng pinahiram na cd: si arun at si noel. si arun, sabi, ko ipahiram niya muna kay lica para maparinig ko kay lica ang ilan sa aking music influences. dalawang beses na nilang na-no-note na nagkasabay sila sa fx papuntang school. ewan ko kung tuesday's o thursday's o thursday at tuesday. isang dahilan kaya ko pinadaan muna kay lica ang cd's, kasi napag-uusapan namin ang music at naghahanda sila para sa pagharana sa mga tao-tao para sa valentine's week sa lasalle.
kanina ko lang nalaman habang hinihintay namin ni lica, patrick at jhude ang mga kasama nila, na nasa ospital pala si noel. sa mga nakababasa nito, pakipasa ang kaalaman. pero astig, sa text, hindi pa rin nawala ang sense of humor nung tao.
natutunaw na yung ice cream.
bukas, balak kong dalhin ang camera. pupuntahan ko sina lica, sheila, atbp. sa ccp. hindi kami a-attend ng leap pero papasok kami para sa annual physical exam at para tapusin kumuha ng mga timbang para sa soromla. laging dalawang araw ang experiment namin sa soromla at matesla. medyo hasel pero masaya ako sa dalawang lab kasi kasama ko ang nag-iisa kong lab.
No comments:
Post a Comment