Saturday, April 09, 2005

misyon, pangarap, at pangarap uli

doing today's mission with arun was fun. it didn't go as perfect as it could have been but at least the primary objective was fulfilled. the only sad thing is how misleading my answers to my mother's questions were. my only justification is that they were true at the least.

may mga pabigat sa akin recently. at kina lica, patrick, sheila, vicky, at jeff. marami at iba-iba. medyo gumaan na yung dala ko. si patrick din. sana si sheila, damay ni patrick. si vicky, mukhang ok naman. malaki pasasalamat ko kay vicky. nakakahawa ang faith niya. sarado katoliko ako pero hindi ibig sabihin, hindi ko pwedeng i-admire ang faith na makikita sa protestantismo.

monday, sabi ni vicky, aayusin ang mga bagay-bagay. there'll be two people exempted. ganoon lang talaga sila.




tumuloy ako sa sbt mula sa bicutan-sucat area. napalaro ako nang hindi naka-panglaro. may band room na kaming mare-rentahan. P200/hour pero P150 pa for one week daw, promo. asteg, napaka-convenient. sa makati square lang at kumpleto pa sa basic na gamit. nagtingin kami ng bass sa jb at rj. isa lang ang pasok sa price range with tolerance. di trip ni cholo ang hitsura, di nakita ni venjo, ko lang sa akin. medyo metal ang dating kaya medyo trip ko, pero medyo punk ako kaya hindi ganun ka-bagay, pero medyo deviant ako kaya ok. isang option pa lang yun at pwede pang mag-tingin sa raon. pero stereotypical lalaki ako sa pamimili, e.

hindi na ako sumama sa kanilang manood ng spongebob sa g4 kasi kailangan kong magpahinga at mag-aral. (isa lang ang na-accomplish ko sa dalawang yun. go figure.) kahit as usual ang sbt, dahil hindi naman ako madalas magpunta, at tantya ko, kahit mas madalas akong dumalo, hindi pa rin nababago ang pakiramdam ng tuwa.

sana lang, ganoon din sa isa kong pangarap.

[note to self: magsulat tungkol sa paghihintay sunod sa o bago o sabay sa pagsulat ng "tara"]




naalala ko lang. at least bawas na ang problemang maituturing sa matest kung saan naka-1.5 ako at sa matesla kung saan nabawi ko pa nang konti ang pride ko sa 2.5.

No comments: