since the internet connection is at 33600bps and i'm downloading an mp3 and with three browser windows loading forever. pero sa filipino na lang para hindi ako tunog arun. (asa pa.)
tila gising pa ako. teka, unang post ko ba ito ngayong taon? anyways, happy new year. 800x600 pa rin. mediocrity? contentment maybe and optimization. hindi na ako mag-e-elaborate kasi nakuha ko ang ideya na palawigin ang isang joke tungkol sa resolution.
isang run down lang ng mga mahahalagang pangyayari. saan ba ako magsisimula?
na-asthma ako tapos gumaling pagkatapos ng medication.
nag-jamming kami kina goey (thad, joey, venjo, cholo, domeng bilang manager at ako malamang) tapos nag-overnight kina yaluts (dogi, domeng, malamang! si yaluts at ako) noong 28-29 kaya hindi na ako nakasama kina cara sa tagatagay.
na-migraine ako noong 30. teka, sa kasalukuyan, ako'y nalilito sa mga araw kaya di ko na lalagyan. anyways, sumakit ang ulo ko kaya kinailangang dalhin sa doctor at saksakan ng kung ano para tumigil sa pagsusuka.
may bago akong dual sim na manipis. kung hindi ako nagkakamali, noong 31 ito binili. tapos sumakit uli ang ulo ko.
ang reunion noong a-uno pero nasa kwarto ako dahil sa sakit ng ulo. pagkatapos ng reunion, dinala ako sa makati med mula sa payo ni dr paclibar. sa makatimed, sinabi na malamang migraine pero sinabi na yun ni tito feds nung thursday pa lang at nung libro nung huwebes din.
sunday, monday, ok pero takot ako sa ilaw. nakapagbayad na rin ako. tuesday naman, "kanina", nabawasan ako ng malaking halaga ng pera.
nakabili na ako ng susuotin para sa debut ni odessa sa sabado tapos nagkita kami ni lica pagkaraan. medyo tahimik lang kami kasi tahimik naman talaga kami. hindi ko muna binigay ang christmas gift ko sa kanya na "kanina" ko rin lang binili kasabay ng Utos ng Hari atbpng kwento.
tapos na ang download kaya tapos na rin ang post. andami kong magagandang ideya para i-blog pero sorry na lang. hehe.
No comments:
Post a Comment