Tuesday, November 15, 2005

dulsi

mga major na pangyayari sa nakaraang mga linggo: bday ni lica at pag-upgrade sa testtype.

hindi pa rin tapos ang turning point sa buhay ko. magulo pa ang ikot ng mundo ko. nagsimula ang lahat sa paghahanda para sa kaarawan ni lica. kung kailan matatapos, hindi ko pa alam. malalaman ko na lang kung maayos na ang lahat, kapag wala nang problema, kapag masaya na ang buhay.

sa mabilisang salita at dahil umiiwas ako sa detalye, masaya ang kaarawan ni lica. ang mga sumunod na araw ay napuno ng tunggalian sa loob ko.


tungkol sa testtype, mukha ngang kendi ang windows xp. hindi ko na maalala kung kailan, nag-uwi si papa ng salvaged na 60x cdrom pamalit sa bulok nang 40x na nakakabit dito noon. dahil dito, nakapag-upgrade na ako sa windows xp.

bumagal nga ang pc pero at least hindi na kailangang patayin para umayos. nakakatuwa. gamay na gamay ko ang pag-ayos nitong testtype. kanina lang, napagana ko ang asus na videocard ko.


sa "buhay" sa harap ng pc at sa totoong buhay, medyo magulo. tsaka ko na lang siguro ikukwento sa blog ang mga pangyayari kapag maganda na ang mga kwento, kapag tama na ang pagpapaikot ko sa aking mundo, kapag nagiging kwento na nga ang buhay ko.


oo nga pala, napanood ko na ang ff7 advent children. baka sa susunod, gagawan ko ng entry. nagbabalik din ang aking hilig sa anime. sa eva at gundam. turning point nga. umiikot lang pero hindi talaga ikot kasi may nagbago na sa dating nadaanan.

No comments: