Sunday, October 02, 2005

bagong buwan

kahapon, a-uno ng oktubre, late akong nagising at nakarating sa lab para gumawa ng forms para sa reinforced concrete specimens namin. fun-filled ang work atmosphere kasama nina gp at jonas.
 
bago umuwi, lumihis muna ako ng daan papuntang glorietta area. may misa pa kaya hindi muna ako pumasok sa greenbelt chapel.
 
balak kong bumili kaya naghanap ako ng kopya ng american idiot sa m1. wala. wala na nga rin yung mga dating album ng green day na lagi kong nakikita pag dumadaan ako dun. hanggang ngayon, wala pa rin akong nabibili sa m1 greenbelt 3.
 
may kopya sa record store sa landmark. isa. haha. pumunta muna (at naligaw papunta) akong tower records. dilemma kung ide-deposito ko ang kaunting naipon ko o bibili. mahaba ang pila. sa express deposit. hehe. kaso wala ding kopya sa tower records.
 
binalikan ko na lang yung sa landmark at sa wakas, matapos ang mahigit-higit isang taon, nakabili ako ng orig na kopya ng american idiot ng green day. sulit na rin kasi may bonus vcd ng making the video ng boulevard of broken dreams at yung video noon at ng holiday. tapos bumalik na rin ako sa greenbelt chapel at nangumpisal. umuwi ako para mananghalian. bibili pa akong bakal para sa thesis.
 
 
limang 6-m long 8-mm diameter reinforcing bars. ayokong ipa-bend. hindi naman sila nagpuputol. sana nga hindi talaga kaysa hindi lang nagkaintindihan dahil nilakad namin ni papa mula edsa pabalik sa bahay. nakakaawa ang tatay ko. hinihingal. di na gaya dati, sasabihin niya sa aking maglakad na lang kami kaysa maghintay sa pila ng jeep.
 
anim na metrong maliit ngunit mayugyog na bakal ang bitbit namin. malayo-layo rin iyon. pagdating sa bahay, hindi pala kasya sa garahe.
 
maya-maya, nang nakapahinga na nang kaunti, pinutulan na namin ng halos isang metro bawat isa--dalawang 54 cm. mamaya na namin itutuloy ang pagputol sa mga size na kailangan. marami-rami rin ang 36 na 54-cm at 72 na 3.4-cm. an mahirap pa lalo, mas marami pang kailangang gawin para sa mga araw na susunod. hehe. at nandito ako, 'nagsusulat'.
 
 
hindi ako nakakapagbasa. american idiot na siguro ang pinaka-kwentong alam ko ngayon.
 
 
oktubre na. october 2 ngayon. isang buwan na lang. tila marami nga akong kailangang gawin, a.

No comments: