may tatlo akong ginagamit na "libre": edsamail, dlsu student's dial-up, sun cellular 24/7 call and text unlimited.
ok, napansin ko na hindi ako nakapag-blog nang ilang araw. alam ko, may ipo-post akong medyo astig pero hindi ko na maalala o hindi ko na inalala o ang dahilan talaga ng pag-blog ko dapat nang araw-araw ay para maalala ko therefore hindi ko sinadya ang paglimot dahil sadyang malilimutin talaga ako. (i love long sentences. haha.) ilang araw nang hindi magamit ang dlsu dial-up. siguro dahil leap. busy ang network at medyo mahina ang network ng dlsu. (hindi ko alam kung appropriate ang term na network. i just a civil engineering student.) yung edsamail naman, may delay sa pagpapadala ng email at madalas ding busy ang mga linya.
pwede sanang mag-post gamit ang email pero recently, kinabukasan na na-po-post o hindi natatanggap ng blogger kaya hindi ko na ginawang routine. pak.
tungkol naman sa araw ko ngayon, tinatamad akong magkwento. bullets.
* materials and testing lab. lab ko talaga ang subject na yun.
* spo night
* bday ni nina
ongapala, yung sun cellular 24/7 thing, hindi ko nagagamit kasi wala akong pera. hahahaha. pero medyo swerte ako kasi karamihan sa mga taong naka-sun, hindi magamit ang sim mula kanina. "binigyan" pa ako ni mig ng P150 regular load.
No comments:
Post a Comment