Tuesday, March 08, 2005

sunrise

tila matagal na rin akong hindi nakapag-update at tila hindi ko na rin maitatala ang lahat.


hindi mabuti ang pakiramdam ko sa quiz ko kanina sa soilmec at bagsak at delikado ako sa struct2. karagdagang badtrip, hindi pa kami nakakausad ni ray sa proyekto namin sa hubhor. a little gathering of strength, motivation and good luck plus prayer, i'd end up well. ang badtrip lang, hinang-hina ang loob ni lica sa status niya sa struct2. kaya kong sabihing magaan ang sarili kong problema, pero pag problema na niya, nagbabago ko. hindi ko muna iisipin ngayon. tumutugtog ang "friday i'm in love" ng the cure at gusto ko ang masayang feel ng kanta.


ang mga nagdaang araw:

* pag-quote kay loi
* pag-iwas kay mr. zalatar
* sc campaign
* pagdamay ng sarili sa problema ni odessa (ok, nantrip na naman ang winamp)
* kaunting pagka-depress sa academic status
* final fantasy seven


pero masasabi ko pa ring masaya ang araw na ito given the above statements at nakita ko pa si yama. una, nagkita kami ni menard. pangalawa, P169 ang load ko sa dalawa kong sim (at mapapatagal ko pa nang ilang araw salamat sa sun 24/7 ctu). at pangatlo, ayon kay ernie baron, 6:09am ang sunrise kanina.

/*update*/

magaling ang winamp. pagkatapos ng ilang inspiring words sa ym mula sa aking pinsan at kabarkadang si jeff, tumugtog ang "learning to breathe" ng switchfoot.

No comments: