Friday, September 17, 2004

ideyal na pagkakaibigan

Thu, 16 Sep 2004 21:54:33 +0800

napaisip ako ni yot. sabi niya, friendship dependent sila kaya ganoon na lang sila kahilig sa inuman. alcholo dependent ang tawag ko sa kanila ni dandi at reggie atbp. ang pagiging alcohol dependent nila ay hindi para mabuhay ngunit para mapagtibay ang pagkakaibigan. tanong ko lang, bakit kailangan pa ng ganoon? ang tunay na pagkakaibigan ba ay kailangan pa ng manipulation? kailangan ba talaga ng alcohol para maging totoo ka sa iyong mga kaibigan? rash conclusion: pure friendship is too ideal.

1 comment:

stani said...

mahilig ako sa inuman dahil natutuwa ako sa mga itinitikas ng mga tao. kumbaga, nakasisilip ako sa totoo nilang pagkatao. ito ang dahilan kung bakit hindi ako nalalasing. si cara at reggie pa lang ang nakasusulyap sa tunay kong pagkatao, and that's two people too many. ingat.