Wednesday, September 29, 2004

WARNING: Mahabang Post (post fullmoon kasi)

kagabi, kabilugan ng buwan. ngayon ang araw/gabi pagkaraan ng kabilugan ng buwan.

slr

dinala ko ang slr at sa classroom kung saan wala akong assignment, napatitig ako sa kanyang isang upuan ang layo sa aking kaliwa. kung may flash lang ako o kung maliwanag lang ang classroom, kinunan ko na siya ng retrato.

sa danes, ksama si jude, pinag-usapan namin ni lica ang slr. nag-feeling ako at nag-lecture ng nalalaman ko tungkol sa camera. nilabas ko pa ang kuha ni odessa mula kay franz na kailangan kong ibigay kay odessa sa lalong madaling panahon. hindi ko nga pala napakilala kay lica kung sino ang nasa larawan.

paakyat sa malate office, nasayang ang pagkakataon na makakuhang muli ng isang paparazzi shot.

polo

naka-polo ako pagpasok at pinanloob ko ang sca shirt. may photoshoot kasi. hindi ako naka-abot sa sca photoshoot dahil nasa pizza hut ako.

sa greenplace, nakahubad si bugie kaya binigay ko sa kanya ang polo ko.

pagkain at perang pambayad

sa danes ako kumain ng tanghalian kasama sina jude at lica. P60. mura na rin pero mas mura taalga ang P35.

nanlibre si rachel pagkatapos ko siyang batiin kasi sinabi niya noong monday (at pinaalala niya na sinabi niya last week) na bday niya ngayon. maraming salamat talaga. dahil marami kami, nag-ambag na rin ako at medyo mas marami ata sa fair price. ok lang. that's what friends are for.

rose

pagkatapos ng struct1, kinausap ko si rose (aka yot) tungkol sa supposedly ubreak meeting. pinakilala ko siya kina at sa kanya sina jude at si lica. tinanong ako ni lica kung siya na ang papalit sa akin. hehehe. lagot ka...

pagkatapos kumain, gumawa uli ako ng tissue rose at naalala ko na sa mga pagkakataong ginawa ko iyon na kasama ko si lica, hindi ko binigay sa kanya.

tama-takbo

gusto kong sumali sa running club kaso may bayad. ano ang tamang gawin?

uminom kami. nag-usap kami ni reggie tungkol sa mga profound na mga bagay. inisip ko ngayon-ngayon lang kung lasing kami kasi ang laya ng utak namin. hindi. kung lasing kami kanina, lasing kami noong nasa rooftop kami ng cityland samantalang wala namang beer. beermatch, meron.

pauwi, hinabol ko ang jeep sa dominga. napagod ako at hirap akong tumakbo dahil dalawa ang dala kong bag. hindi ko naabutan ang jeep pero masaya pa ring tumakbo na nakainom. naglakad ako at noong wala nang pag-asang maaabutan ko pa ang jeep, sumakay na lang ako ng tricycle hanggang tulay.

naka-uwi akong steady kaso ngayon, kinakati na ako.

editor

si yot ang pinag-handle ko ng meeting kaso walang pumunta. medyo kasalanan ko rin kasi kasama ko ang tatlo sa pizza hut.

66 pages ang pinrint ko ngayon-ngayon lang. hindi kasi ako humingi ng hard copy ng mga submission para sa unang deadline ng term.




ok, pasado 11PM na. kung ano mang hindi ko na-blog ay para sa alaala na lang.

No comments: