pumunta ako sa school para kumuha ng adjustment form. dahil pagod pa ako sa mos o baka sadyang tinatamad pa rin ako, muntik nang hindi ako makapunta. buti na lang at medyo nagsisimula na akong sumipag uli.
ang bilis ng pagkuha ng form. kakain sana kami ni jenny sa liy ming kaso ang init kaya sa mcdo na lang kami (para maiba naman...hahaha). buti na lang kasi nandoon sina miko, soyster, louie at ana. dumating si reggie na kasama pala nina yonni na nag-basketball.
sira ang office pc ng malate. ohwell. maya-maya, nasa greenplace na kaming apat nina bugie, soyster at reggie. nilibre ko sila ng colt ice. hindi ko alam kung bakit pati si bugie at soyster ay nilibre ko, pero parang dalawa na rin ang nilibre ko kay reggie kasi siya rin ang umubos ng sa kanila. napaka-spontaneous ng inuman na iyon at nadiskubre kong isang bote lang pala ang tama sa akin. pero hindi ko talaga malaman kung bakit ako nanlibre. ang sabi ko kina soyster at bugie, hindi na kasi nila ako makikita...
pupunta dapat kami ni reggie sa quad para hanapin ang isang burger stand pero nagyayang uminom ang alcohol blooded. pumunta kami pagka-inom pero hindi rin namin nakita. marami namang napag-usapan: korean films, mos, korean films, mos... hehe.
pauwi, dumaan kami sa mcs at napabili ako ng the classic. dvd kaya hindi ko pa napapanood kasi may pasok pa sina adette. kumain muna kami ng kwekwek bago ako umuwi at si reggie, pumunta kina mike at mark baquir (ok, nakalimutan ko na spelling).
ang paalam ko, nasa bahay ako by 3. nag-extend ako hanggang 6 at ang paalam ko ay may bibilhin ako sa quad. dahil ayokong maging sinungaling kaya ako bumili ng dvd. may slight truth pa rin. mga 7 na ako dumating sa bahay. sana sa pasukan, mabait na anak na ako. hehe. tila nagsisimula na akong mag-adjust sa buhay.
kakila pala nina adette at judith si josele. hehe. astig. small world. kilala rin ni adette si stellar pero baka raw hindi niya sila kakilala.
hindi tuloy ang EK lakad bukas. nag-text si lica pero gimik na lang daw kami sa greenbelt. hehe. dito kami sa hometown from where i didn't grow up. gusto ko nang dumating ang bukas. medyo sira nga lang ang grand plano ko na hindi ko pa alam kung kailan ko gagawin pero this calls for a plan b. hehe. wala lang. pero may glorietta pa pala. hehe. sige, glorietta rin naman ang granplan kaya revisions aren't major. basta.
pero ang saya talagang makahanap ng mga kaibigang kagaya nila sa civil. akala ko kasi hindi na ako makahahanap ng grupo sa mga ka-course ko. friends and lovers... hehe. ang saya.
1 comment:
tayo, magkikita pa ba?
Post a Comment