Tuesday, September 28, 2004

post number 69

late ako sa envieng pero ok lang. dahil doon, isang oras lang akong nabingi sa malakas na boses ni pagasa tapos sa katapusan pa ng klase siya na-che-check ng attendance. suot ko ang pink ko t-shirt kaya swerte dapat ang araw na ito.

pinabigay sa akin ni pearl kay odessa ang christmas gift mula kay franz. sabi ko, hindi kami tinadhanang magkita. ayaw maniwala ni pearl - natanggap ko ang reply ni deo noong nasa bahay na ako. ako ang tadhana.

bago pala hanapin si deo, nagpunta muna kami nina... marami... sa museum. first time ko at nakakatuwa. hehe. sayang at hindi nakapunta si ray kasi kahapon lang, napag-usapan naming tatlo ni ray at reggie ang tungkol sa hindi pa namin pagpunta sa museum sa yuchengco.

naalala ko ang eksena sa office.

may hawak na card si rose at biglang sinabing, "ang ganda!" katabi niya si chris. hiniram ko ang card para malaman kung bakit. ang sunod ko na lang na narinig ay si chris. "ayaw mo nang bitawan..." sinagot ko ang sinabi ni rose, "ang ganda nga."

No comments: