may batang namamalimos.
bata: palimos po.
pilosopo: eto, kendi.
bata: ayoko ng kendi. gusto ko ng pera.
pilosopo: ano pang magagawa mo sa pera na hindi mo magagawa sa kendi?
bata: marami.
pilosopo: pag-isipan mo at pag naisip mo, alam mo na kung ano ang hindi mo gagawin.
mga 30 minuto akong naglakad sa taft mula terre lorenzo hanggang libertad at 20 minuto ang biyahe ng jeep mula taft hanggang sa kanto [ng] tinio (haha). ang kendi naman na binili ko sa kanto ng buendia at taft ay tumagal hanggang sa pagtawid ko ng evangelista pagkababa ng jeep. wala lang.
ilang realisasyon:
* wala akong "true self" o naniniwala akong wala nga. para na rin pala akong nagpakamatay para sa mga taong naniniwala na kailangang hanapin ang tunay na sarili.
* mas nagustuhan ko ang isang babae kung maaari siyang sulutin. pero mabait ako. hehe.
* matagal na akong hindi natatamaan ng allergy. pak. kinati na naman ako.
* wala akong problema kasi ang dala kong problema ay ang sa ibang tao. nakakalimutan ko tuloy kung meron nga ako at sa ganoon, parang assignment na ipinasa sa kuhanan ng course cards ang mga problema ko.
No comments:
Post a Comment