bagsakan ako. struct1, ceflume, at ceflula
all time high. ikatlong term ko nang may bagsak at tatlo ang binagsak ko. dalawang professional subject at isang major. galit at nag-aalala ang mga magulang ko. ginagawa ko ang makakaya ko para maging steady. sana magawa kong maalis sa kanila ang negative emotions. sana magawa kong mapabuti ang pakiramdam nila. magulo ang isip ko. basta.
astig nga pala `yung pagkakapasa ko sa quameth. kulang ako ng .6 kaya umuwi muna ako para gumawa ng assignment. para makapagpasa bago mag-ala-una, nag-taxi ako pauwi at pabalik sa school. nakakatuwa ang pangalawang sakay kasi nakipagkuru-kuro pa ang driver tungkol sa problema ng bansa. natanong din ako kung saan nag-aaral ang girlfriend ko. hehehe. kaso wala.
nakalibre ako ng tanghalian dahil nanlibre si pearl. hehe. buti pala hinanap ko sila. pearl doesn't look well. sana makatulong ako sa kanyang mga suliranin. pagkain nga pala ni reggie ang kinain ko kasi umalis siya dahil tila may problema. salamat nga pala kina magsy at jenny para sa kanin.
bumagsak si reggie sa subject na hindi niya pwedeng ibagsak, pero hanga ako sa taong `to. steady pa rin. napag-usapan pa namin maya-maya ang tungkol sa adjustment namin. ikukuha pa niya ako ng form bukas.
masarap pakinggan, kahit na bumagsak ka, na naniniwala sa iyo ang prof mo. kung alam lang nina mama na ganoon, siguro makagagaan sa loob nila.
kasama ko sina lica, patrick, sheila, jeff at jude kanina pagkatapos makuha ang mga course card. kami ni lica, may tigatlong bagsak pero nagplano kaming anim ng baguio trip. hindi rin tuloy pagkatapos ng matagal ring pag-uusap. ok lang. masarap magplano. (medyo madalas naming gawin yan sa g69. hehe. plano nang plano pero walang natutuloy.)
kumain sina jeff at patrick at jude pero umuwi na si sheila nanlibre si jude ng halo-halo. may love question na naman si lica at napaisip na naman niya ako. astig `yung sinabi niya tungkol sa mga sagot namin (bale puro kami lalaking kasama niya) pero may astig akong sagot sa kanya sa susunod na magkita kami.
nag-videoke kami pagkatapos at late na naman akong nakauwi. gagawin ko talaga na pagaanin ang pakiramdam nina mama at ni papa na bukas ang dating.
on the lighter side of badtrip things, hindi ko nahirit kanina `yung "serangheyo" nung nagpaalaman kami sa may Baliwag.
nagsisimula na ang paggalaw ng buhay ko. hindi na ito isang patag kaya kailangan kong maging panatag at matatag. dati, wala akong dahilang mabigat para magbagong buhay. ito na. salamat po. +
MOS bukas. turning points talaga ang MOS sa buhay ko - noong nakaraang taon at isa pa bukas.
No comments:
Post a Comment