may ilang wishing feather akong nahagilap sa aking paglalakad tungo sa daungan. nagsisimulang dumilim ang langit. nang nasa loob ako ng sasakyan, nagsimulang pumatak ang ulan. unti-unti itong lumakas. tinanaw ko sa malayo ang langit sa aking patutunguhan. maaliwalas pa ito. papalapit sa aking bababaan upang lumipat ng sasakyan, lumakas pang lalo ang ulan. iang langit ang aking natanaw. hindi ako nakapaghanda. nabasa nang kaunti ang mga dala kong papel at ang kagamitang pangkwenta ni sheila. ang itim na libro naman ay nabasa rin ngunit nabalutan ko ito noon pa man para sa ganitong mga pagkakataon.
tumakbo ako patungo sa susunod na sasakyan. mapalad ako at hinintay ako ng nagmamaneho. malapit sa daan tungo sa hantungan ng aking paglalakbay, humingi ako ng tulong sa aking inay. pinahinto ko sa nagmamaneho ang sasakyan at tumakbo ako tungo sa silong. hinintay ko ang aking inay nang may pagkainip. inisip kong hindi niya natanggap ang aking mensahe. ngunit maya-maya, dumarating siyang may dalang proteksyon sa ulan at isa pa para sa akin.
maglalakad sana ako sa ulan gaya ng dati ngunit hindi lubos na mabuti ang aking nararamdaman.
No comments:
Post a Comment