ika-269 na araw ng taon ngayon. SBT. hindi nga lang ako nakapaglaro kasi tulog ako at wala doon tapos nakatulog uli ako. sumakit na rin ang tuhod ko kaya mas may dahilan ako para hindi maglaro. medyo badtrip na naman sa akin si menard pero nag-sorry naman na ako. hehe. tapos na sila nang pinuntahan ko sila sa SBT, sina dogi, thad, joey, venjo, menard at domeng.
bday ni dogi (ewan ko kung kailan talga kasi ganoon naman sa amin) kaya nagyaya at nanlibre siya. tatlong bucket meal ang in-order namin (ni dogi pala) sa KFC. haha. nakay menard yung apat na tumbler. kunin ko sa kanya yung tatlo sa lunes. hehe. dami kong nakain (bale, tatlong parte ng manok). dumating sina gino at tj. long time no see. ang lobo ni gino sabay ang payat ni tjax.
habang nagbibilyar sina menard, gino at tj, nagliwaliw kami sa loob ng makati square nina venjo, thad at joey. may usapang thadjoey tapos ginawa namin ang gawain namin sa mga bilihan ng game cds. iba na ang pangalan ng brochere at hindi ko maalala. bukas na lang. tumambay kami sa <pangalan ng brochere>. may happiness and excitement at P500 yema.
umuwi na si menard nang matapos silang magbilyar at dumating sina dogi at domeng kasi inuwi ni dogi yung tira namin. dinistribute nga pala ang choco knots (pero milk knots talaga).
naglakad kami papuntang gb3 - apat-apat, parang dalawang boyband lalo na sina tj, gino, dogi at domeng.
nanood kami ng bourne supremacy tapos naglaro sa timezone kaso umuwi na noon si joey. astig yung initial d (sa timezone) pero mas astig pa rin talaga yung taxi (sa sine). nakuha ko nga pala ang plaka na ginamit ni jason bourne kaso nakalimutan ko na. sinave ko sa cellphone ko, kaso rin, patay ang phone ko ngayon. basta, may 69.
bago umuwi, sa goldcrest, bumili muna si dogi ng gundam habang napag-alaman namin ni venjo na tatlong libong piso pala ang balak naming bilhing damit. may 20% discount pero oo sige. napagpasiyahan naming maghanap na lang ng sastre. (kahit para sa bday ni odessa, hindi ko maisip na gagastos ako ng P3000.)
uwian. walang itlog ngayon. may choco knots naman.
tumakbo ako sa final stretch pauwi. masaya ba? oo.
No comments:
Post a Comment