Thursday, September 09, 2004

dalahin

sa mga nangyari sa akin sa nakalipas na bakasyon, napaisip ako kung bakit itong mga taong nakikilala at nagiging mahalaga sa akin ang nakakatagpo ko sa buhay ko. bakit hindi yata ako bagay sa kanila kasi sila-sila ay may mga dalahing mabigat samantalang ako, kung mayroon man, nagagaanan ako? may problema ba sa akin kasi hindi ko nararamdaman ang hirap ng buhay? stupid questions pala.

naka-relate ako bigla kay Gyun-Wu."i want to take away her pain." kaso sa akin, ang dami at hindi lang her. basta kaibigan ko, gusto kong maalis ang sakit. hindi ko alam kung paano pero gagawin ko.

alam ko na ang mga sagot. ang corny ko talaga - ang bilis ko maka-gets. hehe.

kapag may dala kang bag na malaki at kailangan mong dalhin pa ito hanggang sa malayong lugar, hindi mali ang masanay ka at magaanan ka sa dinadala mo. doon ko nasabi na walang problema sa akin. tama lang ang nararamdaman ko. hindi ako delikadong magpakamatay. hindi ako magkakasakit. shet, pinapasinungalingan ko ang experts. (pero gaya ng mga konklusyon nila, ang mga konklusyon ko ay hindi ganap at maaari pa ring i-disprove.)

nakilala ko ang mga taong ito (ilan sa inyo ang nakababasa nito) upang makibuhat sa kani-kanilang mga pabigat sa buhay--hindi para pahirapan ang sarili ko, ngunit para pagaanin ang dala nila.

inisip ko kung paano ako nagkaganito. may grupo ng nilalang na pasasalamatan: pamilya, salesian congregation, group69.

masyadong malakas ang paniniwala ko sa masayang katapusan sa bawat kuwento. ano pa bang ibang mabuting gawin kundi ituloy ang sinusulat.

No comments: