nakatipid ako ngayon sa pagkain. hindi ako sumama kina reggie sa k-town. malaking tipid `yun, pero nakakabitin ang burger mcdo meal. noong pauwi naman, naharang ako ni arun at napakain pa ni kimber.
* take 2
dalawa pala ang subject kong 2nd take ngayon - engecon at struct1. tila mas naiintindihan ko sila. mula sa pagkukumpara sa hydrolo, mas ok nga pag second take kaso hindi kasi mahal at nakaka-delay.
* wrong grammar
may maling grammar sa isa sa mga banat ng sc (yata) sa admin. matatagpuan ito sa hagdan ng velasco.
* yosi
amoy yosi ang t-shirt ko at naalala ko na lumapit pala ako kay ato. naalala ko tuloy noong nag-overnight kami kina bogs. hindi ko na maalala ang saktong usapan. i-a-approximate ko na lang.
edron: hindi ako chain smoker. minsan din lang ako mag-yosi.
bogs: tuwing kailan?
edron: kapag ganito, kapag nag-iisip.
bogs: a, kaya pala.
* nakalimutan ko
nakalimutan ko ang i-po-post ko dapat dito.
* videoke
pinuntahan ko si yot sa prov para may kasama siya habang wala pa si arun. magde-date kasi sina dandi at ato. nakita ko rin doon sina jhude, jeff at patrick. intersection nga. dumating sina jaja at dipon. ok, astig talaga. (schoolmate ko si dipon sa donbosco. patunay na lang na hindi ko maalala ang first name niya.) dumating sina reggie, mica at aj bago ako umalis. nakalimutan kong sabihin kay reggie ang ibig sabihin ng 333.
* kahapon
hindi ako nakasama sa BOS. nalalayo na ako sa SCA. hindi na rin ako komportable sa kanila. ewan ko kung bakit. o baka ayaw ko lang alamin. pero wala naman masamang nangyayari kaya ok lang. all is well as long as none is wrong.
* bukas
hindi na ako sasama sa bday ni bunny. hindi na rin ako magsi-seat in sa klase ni jun cruz reyes. bibili kasi ako ng libro at mangungumpisal. kailangang malapit perpekto ang mga bagay-bagay.
No comments:
Post a Comment