di ko alam status namin sa shangri-la project. pero kaya yan. hahabol. swerte ko talaga sa teammates. pakiramdam ko talaga, ako patalo. pero di yan. kailangang hindi mawala ang positive outlook.
friday at wala akong lakad. late kasi ako nakapasok, at ewan, nakakainis, tinamad akong magsimba. tsk tsk tsk. naghanap na lang ako ng shorts na may zipper ang bulsa (pero walang nahanap), at bumili ng windows 7 home premium fpp para sa x3-pc. kung meron lang sanang victory celebration inuman party thing sina bianca para sa pagkaka-gold thesis nila, sasama sana ako. adik lang sa lakad. pero malamang hindi rin pala ako makakapunta dahil may mga balak para bukas ng umaga. buti na lang din at walang celebration inuman party thing kanina pero sabi naman, sasabihan ako pag meron.
di ko alam kung tuloy ang jogging namin bukas nang madaling araw, pero panalo yung binigay ni ailene kanina kapalit ng mrt card na binigay ko sa kanya noon isang araw. snickers. hindi ako fan ng snickers dahil sa tamis, pero yung bite sized, panalo, sweet spot, sakto. tamang-tama. stock para sa traning kahit kinain ko na yung isa kanina.
kailangang magpahinga at matulog nang maaga. kailangan ng energized weekend.
No comments:
Post a Comment