half day ako ngayon at papasok mamaya dahil nagpa-adjust na naman ako ng braces sa dentista. hindi pa rin makabitan ng retainers. may kabigatan din ang pakiramdam ko ngayon dahil sa pag-overtime kagabi. hindi ko alam gaano ang napala namin pero kahit papaano, may mas gusto akong direksyon sa ginagawa.
bukod sa sakit ng ngipin, meron din akong sakit sa damdamin. oo, tila hindi epektibo ang denial sa ibang aspeto. ayos lang din. masarap naman ang lunch kahapon sa tapa king. pagbalik sa opisina, hindi na nga lang ganun ka-ok ang araw. nahahati ang puso ko kahapon sa lungkot at saya. haha. tila ang emo ko humirit. pero kagabi, sinabi ko rin sa sarili ko, “there is no plan b. plan a na lang kaya?” tsk. wala na lang. go with the drive na lang. makikita rin ang nais puntahan.
No comments:
Post a Comment