Tuesday, July 19, 2011

lipad, oras, lipad

sabi, “time flies when you’re having fun.” kanina, ang bagal ng oras sa opisina. at wala sa aming nag-OT. wala rin kasi si iris.

marahil, malungkot nga ako. hindi naman sobra. hindi dapat. pero ayos lang. ngayon ko lang naisip, at kailangan kong bilisan ang blog post na ito, kailangan kong makapagsulat ngayong gabi. “sad enough, happy enough.”

sana healthy enough din. tingin ko, maayos-ayos naman ang pagkain ko ngayong araw na ito. bukas din dapat. at hanggang sa mga susunod na araw. dapat mabuti ang pagkain para sa takbo sa katapusan ng buwan.

kailangang lumipad. kahit hindi siguro umabot sa kalawakan.

No comments: