Friday, July 15, 2011

lift your head

tila hindi talaga natatapos ang linggo sa opisina na maraming natatapos. ayos lang. sige lang. laban pa.

pero masarap mag-lunch out. nakaka-miss din ang pagkain sa labas tuwing lunch break. at medyo panalo rin na walang boss halos buong araw. hahaha.

masaya ngayong gabi dahil nagdasal kaming pamilya ng rosaryo sa simbahan ng san ildefonso habang nandun ang imahe ng Birhen ng Manaoag. sarap. kahit trafik at magulo ang lansangan dahil ika-15 at biyernes, ayos lang. kahit tila ngarag ang staff sa chowking at wala nang siomai at ilang iba pang pagkain, masarap pa rin.

may dahilan man para maging malungkot, dapat ngumiti. at sa paghahanap ng pahahalagahan, dapat hindi mawala ang dati nang mahalaga. wala lang. ilan lang sa mga dumadaan sa isip ko habang nakikipagtext ngayong gabi. pero ang pinakamatindi talaga ngayong araw na ito, hindi nga nagiging butterfly ang grasshopper.

No comments: