Saturday, July 09, 2011

sakit ng ngipin ngayong sabado

overtime pero sandali lang. nakakahiya talaga sa mga ojt. nakakahiya ako. apparently, hindi ko mapakita sa boss ko at sa mga kasama ko kung gaano talaga ako kagaling. overrated pa rin. pero masarap din ang pakiramdam, minor accomplishment kanina—makapagpadala ng drawing list. ang babaw. grabe. ganito na ata ako ka-unaccomplised sa buhay.

malakas ang ulan kaninang hapon. sulit ang kapote. haha. nag-ikot ako nang konti sa mcs para ipaayos ang bag ni ate sa mr. quickie at bumili ng cmos battery para sa pc ni tristan sa office. dumaan akong plaza fair at tila inuubos na lang ang paninda. ewan kung kailan magsasara. o baka magrerenovate. ewan. sana hindi naman magsara yung mismong makati square. medyo monumento yun, e.

pag-uwi, tambay sa sala. oo nga no di ako nakapag-siyesta. sana maganda ang araw ko bukas. dapat. siguro wala na rin ang sakit ng ngipin ko bukas dahil sa adjustment ng braces. maraming hirap at sakit pero hindi dapat kalimutang tumanaw para sa kabutihang darating.

No comments: