Sunday, July 03, 2011

dala

11am ako nagsimba kanina kasama sina ate, adette at judith. hindi kagandahan ang gising ko, ewan ba. buti na lang, nagawa kong magsimba nun. sabi sa Gospel reading ngayon, “cast your burdens upon Me…” sabi ng pari, hindi naman daw sinabing go to the mall, spend money, drink, smoke, etc. ibigay daw sa Diyos ang mga pasanin sa buhay at bibigyan ka ng ginhawa. matigas talaga ulo ng tao, mahina, simple lang naman yun. bakit hindi ko nagagawa?

nagising ako bago mag-6 ng gabi, hindi ko mawari kung anong araw. tila bitin ang weekend. isa sa mga positive side every week, bawat linggo, pwedeng tingnan bilang bagong simula. kung tutuusin, pwedeng bawat araw, pero mas sakto ang pattern sa pagpalit ng linggo kumpara sa pagpalit ng araw o ng buwan. bagay pala na simulan na bukas ang ginawa ko kahapong ideal daily schedule. tama.

No comments: