malapit nang mag-cinderella time. hindi pa ako masyadong inaantok dahil sa sarap ng tulog ko sa sala kaninang hapon. oks lang sana pero kailangan kong gumising nang maaga bukas para sa tentative dry run.
hindi na naman ganoon kabuti ang pakiramdam ko kaninang umaga. buti na lang, pagdating ng gabi, wala na ang sakit ng ngipin. yung ibang sakit, ewan. bwahahaha.
lazy saturday, kako nga. walang nagawa para mabawasan ang trabaho at sakit ng ulo na magbabalik sa lunes. pero sige lang, wag mawalan ng pag-asa.
pagdating sa techie side, nalutas ko na rin sa wakas ang misteryosong unknown used space na meron pala dito sa netbook. system restore ang may sala. ayun, na-recover ko na rin pati doon sa laptop ni mama.
nae-excite din ako sa pagdating ng bagong amd fx processors na malamang ay sa setyembre lalabas ayon sa comic-themed youtube promo video. kaadikan. sana, pag nakumpleto ko na ang super desktop ko, makapag-focus naman ako sa ibang binabalak pagkakagastusan o pag-iipunan.
No comments:
Post a Comment