lumampas sa time limit. walang bag pero may medal at certificate. ayos lang, masarap pa rin tumakbo. at least hindi dnf. gg ako dun sa pangalawang 18k mark.
na-conclude ko na hindi sapat ang nasa lower limit ng ideal weight. hindi ideally fit ang katawan ko. may sapat na panahon pa naman ata bago ang susunod na pwedeng salihang takbo.
hindi ko rin nga pala nagawa yung milo everyday. yun. kaya nga. at hindi rin kasi ako nagsimba bago tumakbo. hehe. mamaya, 5pm, simba. 7pm, victory party. bukas, opisina.
medyo naipagmayabang ko na ang aking minor accomplishment sa mga taong inspirasyon ko sa pagtakbo. sa susunod, mas gagandahan ko pa ang takbo para sa kanila rin. sa ngayon, pahinga.
No comments:
Post a Comment