nakakuha ako ng beat ngayong gabi. sana tuloy lang sa mga susunod na araw.
kailangan ko na rin nga palang tanggaping sira na ang aking cdrking mouse dahil nabagsak ko nung isang araw. hindi lang pala yung cable retracting mechanism ang nabasag. sira rin pala yung mismong left button. oh well.
hindi siguro na-achieve ang perfect day ngayon pero good day pa rin sa trabaho. mas maganda sana pero mabuti na rin. nasabi kong ganoon nga dahil hindi nakakabagot na kahit binalak kong umuwi nang 6pm, 7pm na naman ako nakaalis ng office. bumili ako ng siomai at nag-claim ng starbucks coffee pag-uwi. credit card promo dinner sa amin. well, plus siomai.
beat, beat, beat, beat, beat, beat, rhythm. itutuloy ko yung rhythm salamat sa mga kanta galing kina bianca, arianne, at ailene. so far, sa kylie minogue song, get out of my way, na suggestion ni bianca pa lang ako nakuha ng beat at nakapag-record ng rhythm. ewan ko lang kung mate-trace ang influence. kung anuman, salamat din at may nasimulan na naman akong kanta kahit konting tugtog pa lang. tungkol saan kaya ito magiging?
lumabas ako ng bahay kaninang umaga papuntang opisina at dineklarang hindi uulan. pagbaba ko ng jeep, nagsimulang umambon nang malakas. naglakad ako papuntang opisina, hindi kinuha ang kapote ko. dumating akong basang-basa. buti hindi ako nagkasakit. sana hindi nga magkasakit. pakiramdam ko, pagbabasbas ang pagbuhos ng ulan sa akin kanina. hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin. sana, may maialay ako bilang pagpapasalamat.