Monday, January 16, 2012

didn’t go for 8

pahinga at marami-raming hindi nasulit na oras ang dulot ng hindi pagpasok kanina. may ok at hindi ok, pero maganda rin ang pagtatapos ng araw.

umalis ako ng bahay nang mga 5pm. masarap ang pagtambay at pag-inom ng kape kasama ang aking best friend. at syempre, ang sarap din ng cheese cake. nakapagtingin na rin ng presyo ng cellphone at na-inspire din ako sa kanyang mas magandang relasyon sa kanyang nanay.

ang sarap din ng pakiramdam nang mapansin ko na nakapagrosaryo ako kasama ng mga magulang ko ngayong gabi. matagal kong hindi nagawa iyon.

isang kinalulungkot ko sa hindi ko pagpasok ay nahindi ko sila natutulungan sa opisina ngayon. hindi ko rin nadadamayan sa hirap. sana hindi sila panghinaan ng loob.

madalas, naiisip ko, makapagpasaya ako ng mga tao, masaya na ako. ang saya na malaman na nagagawa iyon sa pagpapasalamat lang ni krys sa paalalang ngumiti, pagsabi ni best na nabibigan ko siya ng lakas ng loob, at iba pang tulad na salita—panalo. bukas, utang ko sa mga katrabaho ko na maging masaya at matagumpay ang araw namin.

mukhang sapat na ang recharge ko ngayon. buti talaga hindi tumuloy sa 8 straight days ang pagpasok ko sa opisina.

may milestones nga pala ako sa aking online na buhay. kagabi ba yun o kaninang madaling-araw? basta, unang twitpic at unang facebook photo album. haha. salamat sa space tinola at sa pictures mula kay iris.

No comments: