hindi man nakapag-videoke night, hangout sa world chicken sa greenbelt. hindi lang ako gaanong naaliw sa kwentuhan dahil napagkwentuhan din ang iniiwasan kong isipin. masarap din naman ang pagkain kasama sina jj, arianne at cesar.
naging kwela rin ang gabi sa pagdating nina wax, fabie, coleen at meg obina. sa kasalukuyan, wala akong maisip na angkop na angkop na salita para ilarawan ang mga pangyayari. comedy? matindi? ewan. katatapos ko lang kausapin si jonas naman tungkol doon. talagang napatawag si jonas sa telepono dahil sa text ko na nagkita kami ni meg.
wala naman sana akong kakilalang may ganung pakikitungo tulad nilang dalawa.
ang halos 8+1 na oras sa trabaho, ayaw ko munang isipin ngayon. bukas, papasok pa ako. alam ko lang, lalo akong hindi natutuwa sa mga elevator ngayon. at hindi pala 2 days ang 30peso data sa smart. sana 20 na lang. nabawasan pa ako ng 10 kasi hindi ko na-off agad ang data connection. haha. oks lang .charge to experience.
highlight siguro ng umaga, naglakad ako papasok. naramdaman ko muli ang sakit sa binti pero hindi pa rin ako nagbagal. medyo training na rin. hahaha. buti sulit kahit papaano. hindi na-late.
training. kailangan kong makatakbo sa condura. marami akong dahilan para tumakbo.
No comments:
Post a Comment