Sunday, January 29, 2012

30 day trial over

mabilis lang itong blog post na ito dahil expired na ang activaion period ng windows ko. haha.

tulog na naman ako ngayong umaga ng linggo. siguro mas maaga akong nagising kung maayos ang pagtulog ko—walang internet habang nakahiga.

magandang malungkot ang panaginip ko. andun si best. tila miss ko na nga siya talaga. dapat, ngayong papasok na linggo, tutal, hindi naman ako masyadong mapipilitang mag-overtime, dapat makakuha kami ng oras lumakwatsa.

accomplishment ko bilang kaibigan ngayon, natulungan ko si krys sa problema niya sa cebu pacific. marami-raming tawag na ginawa at tinanggap yun. buti naayos at medyo swabe naman.

mukhang good to go na kami ni linette sa kanyang paanyayang mag-audition. excited na akong mag-rehearse. nakapili ako ng mga lumang kanta (90’s to early 2000’s) at may mga bago siyang kantang binigay. pwedeng-pwede. kailangang pagbutihin.

tinola jam nang mga 5pm, halos buo na namin ang pangatlong kanta. masarap ang challenge na makagawa ng bass and drum solo. sayang, hindi ko naulit yung natripang riff ni kc. hindi ko kasi maalala. haha. mukhang nagustuhan naman ni louie. very encouraging yung dalawa kahit intimidating.

nakahabol ako nang kaunti sa praktis bago ang Misa. tila may konting kaba pa sa akin. at mahirap nga talagang kumanta nang gutom. masayang kasama ang smc. medyo ginabi lang uli.

gutom, inubos ko ang amplayang nakahain. masarap pero dahil sa lasa, naengganyo na naman akong uminom ng coke. buti hindi pa umeepekto at baka na-neutralize naman ng pagkain at tubig.

ang saya naman, dumarami na ang ginagawa ko kapang weekend na hindi trabaho. sana matuloy nang maganda. hindi ko alam hanggang kailan ang trial period pero sana dumaing ang araw na maayos na routine na ang mga mangyari.

No comments: