Sunday, January 08, 2012

day 2 winning streak

naglaro muna uli ako ng nfs world. treasure hunt. 2-day streak na sa treasure hunt. tingnan natin kailan uli mabe-break. pero ok na ako na yun ang ma-break kaysa heartbreak na naman. 2 days to go, january 10 na. pupusta ba ako uli? nakakakaba kaya.

bukas, 2 taon na ang nakalilipas, napakasaya ko. ngayon, 2 taon ang lumipas, nasa biyahe kami. hindi ko inasahan ang lahat ng nangyari mula noon hanggang sa ilang buwan pagkatapos.

lunes na naman bukas. medyo matagumpay ang cramming ko kanina sa pagpraktis ng mga tugtog pero bitin pa rin. ok naman ang tinola jam pero kailangan pa rin naming mag-session uli sa miyerkules.

8pm ako nagsimba, pagkatapos ng halos lahat ng mga pangyayari ngayong nagdaang linggo. palusot? hehe. pero nakasanayan ko na rin kasi na linggo nang gabi para mas malapit sa lunes kung kailan nagsisimula ang linggo ko.

bago ang Misa, nilapitan ako ng tatlong babaeng miyembro pala ng choir. isang paanyaya. hindi ako tumanggi. may kakaibang pakiramdam. kinalulungkot ko lang na hindi ako makakadalo sa sabado. sana, sana talaga, isa nga itong tawag na masasagot ko. isang bago sa buhay ko. sana hindi mag-expire agad ang pagkakataon.

No comments: