Sunday, January 01, 2012

2012 A.D.

nakakaaliw talagang pakinggan yung 2012 A.D.

late nagising at hindi ganun kabuti ang pagtulog. kailangang pagbutihan sa mga natitirang araw ng taon para masabing panalo ang 2012 A.D.

ang/chua reunion kanina sa pasig. maingay. masaya. naligaw papunta at pauwi. buti hindi umabot sa antas na may iinit na ulo.

nakatulog ako nang ilang oras habang naglilipat ng files mula sa x3-pc papunta dito sa i5-pc. hanggang ngayon, naglilipat pa ako at marami pa akong ililipat sa mga darating na araw. ang mahalaga, na-install ko na lahat halos ng basic na programs at nagawan ko ng backup gamit ang acronis wd edition. medyo malas lang, kinailangan kong hiramin ang external hdd ni adette para ma-install at magamit. hindi ata nade-detect ng program ang western digital na drives ko dahil naka-raid.

bagong taon. kung tutuusin, wala naman talagang direktang kaibahan sa pagpapalit ng araw ang pagpapalit ng taon. bahagi lang kasi ng isang mas malaking cycle kaya mas nabibigyan ng kahulugan. kung anuman, isa itong magandang paraan ng pagtingin kung may nagbabago ba sa pang-araw-araw at hudyat para baghin ang mga dapat. at iyon nga ang gagawin. kaya ito.

No comments: