nagising ako sa isang panaginip kung saan tumatakbo kami. may pagtakbo sa isang parang mall. at may pagtakbo sa isang parang malaking mansyon. halos sa mga hagdan. tila training din.
3:55AM ngayon sa relo. halos kalahating oras na akong gising. masarap ang pakiramdam na magising nang ganitong oras, isang oras na madalas ay patulog pa lang ako. masarap ding gumising na may mababasa ka sa cellphone na mga text na magpapangiti sa iyo.
maraming bagay na maaaring magpalungkot sa akin ngayon, kaya mas matindi ang saya pag nangyari ang isang tunay na ngiti sa araw na ito.
salamat po +.
No comments:
Post a Comment