hindi talaga ako sigurado sa bilang. pero parang lima nga. pagkaligo ko, sa pagbalot ko sa sarili ko ng twalya para magtuyo, naramdaman ko ang kagat ng mga langgam. aray.
na-late ako nang halos isang minuto sa trabaho ngayon. oh well. kahit papaano, masaya naman at sa kabila ng tensyon, may mga naipasa kaming mga kailangang ipasa kanina. tila may mga hindi nagawa pero sa lunes na yun. kapata-patawad pa naman sana.
nakalibre rin ako ng lunch kanina salamat sa aking ate na nasa makati med kanina para sa check up at tinext ako na mag-lunch kami. masaya rin. sa tagal ko sa trabaho, ngayon ko lang ata nakasamang mag-lunch ang ate ko sa labas. kung tutuusin, malayo rin naman kasi ang mga opisina namin.
tila medyo busy sa opisina ngayon, hindi ko nadepositohan ang account ng tatay ko sa bpi family sa request ng nanay ko. hindi ko rin nabayaran ang mga birth certificate application namin ng best ko sa bdo. buti pwede pa sa lunes ang sa bpi at bukas ang bdo sa sm pag weekend.
isa sa mga nakakatuwang bagay na nangyari sa araw na ito ay ang imbitasyon nina maam raizel at sir tj sa kanilang kasal. ayun, pagkakataon para masuot ang coat ko. nakakaaliw. tila nagawa nga nilang unahan si sir jonas tulad ng pag-uusap nila noong isang beses na galing kaming meeting sa rodriguez.
maraming kailangang paghandaan. bukas, kailangan ko na talagang mag-ensayo para sa gig.
kailangan ko ring paghandaan ang martes. kaunting impormasyon pero malaking bagay ang naitulong sa akin ni dei kanina. hindi ko pa alam ang gagawin, pero kailangang magawa ko.
nakaka-excite ang darating na linggo. dapat makapaghanda nga nang todo ngayong weekend. mabigat na trabaho, mabigat na damdamin, at mabigat na tugtugan.
No comments:
Post a Comment