Monday, January 23, 2012

10-or / 854x480

at ngayon na lang uli ako nakapag-post mula noong bday ko. overnight din kasi ako sa opisina noong huwebes para samahan ang aking mga kasama sa pag-aayos ng sablay. biyernes, late na rin umuwi dahil sa hassle na pressure na nakapagpahagis sa akin ng cellphone. buti, nakaalis din para makapunta sa don bosco parish para makita ang imahe ng birhen ng fatima.

kahit wala pang halfday, pumasok ako noong sabado. hindi karamihan at medyo bara-bara ang mga ginawa dahil sa panghihina at kakulangan ng pagnanais magtrabaho. hindi na ako natuloy (uli) sa pagpunta sa market market para bilhin ang gusto kong xperia pro at makipagkita kina best at angel.

halos 1pm, pauwi na ako para sa aking handa. si dogi ang nauna at halos 1pm nga dumating. hindi namin sila nahintay kumain. pagkatapos naming kumain, dumating si yaluts, tapos si cholo kasabay nina venjo at cez. masaya. sayang wala ang ilan. pero masaya. kapansin-pansin, may ilang moments of silence. nakakatawa lang din. kasabay ng mga musiko at sumasayaw sa labas, nagkakasayahan kaming magkakabarkada. patext-text din sa aking best friend. panalo.

gabi, kahit medyo malabo ang pagkakaintindi ng nanay ko sa aking paalam, nagpunta ako sa simbahan para sa practice ng choir. medyo kabado at hindi alam ang pupuntahan, tinawagan ko si amelia. nakita niya ako sa patio ng simbahan, umakyat kami sa practice, napakilala ako, sinukat ni kuya jo ang aking voice range, at ayun, kasali na ako sa choir. sana by next week (sa tulong ng facebook), memoryado ko na ang mga pangalan nila.

pagkatapos ng practice, pumunta pa kami sa bahay ni kuya jo para tumambay at mag-session at paghandaan ang mini surprice kay daisy. dagdag kakilala pa. dagdag sa mga interesanteng tao. tama ang pasya ko. medyo paumaga na lang nakauwi dahil doon.

kahapon, linggo, tanghali na ako bumangon at bumaba. text text tambay. hindi na naman ako nakalabas para bumili ng cellphone at ng regalo para sa kasal nina tj at raizel. bago magpuntang simbahan, dumaan muna si venjo para kumopya ng windows7. pagkatapos, 8pm Mass, unang sabak ko sa pagkanta sa choir sa Misa. halos clueless uli ako nung dumating ako bago ang Misa kasi alam ko magpapraktis pa muna pero hindi ko alam kung nasaan. buti na lang tumawag si maelord.

pagkatapos ng Misa, konting praktis pa para sa gagawin sa disyembre tapos kumain kami sa bahay ni sister...lector. masarap. may irish cream pa. pagkatapos, dvd trip naman kina wowa/anne. pauwi, habang naglalakad sa m.reyes kasama nina amelia, daisy, at (hindi ko maalala pangalan nung bading), may nakasalubong kaming mamang lasing na may hawak na patalim. at napabilis ang lakad namin. alas-dos pasado na naman ako nakauwi. comedy.

at tanghali na naman ako nagising. pagising-gising para magreply kay best sa text. halos tig-isang oras ang pagitan. tanghalian. tulog. sarap ng tulog ko sa sofang mahaba habang nasa kabilang sofa naman si mama.

4:30 na halos nang makaalis ako. nagsisi ako na hindi ko kinuha ang taxi na halos saktong dumating. mas mabilis sana akong makakarating sa market market. banda sa may pasong tamo, imbis na maghintay ng jeep papuntang magpuntang gate 3, minabuti ko na lang na sumakay ng jeep pasay road para magtungong greenbelt. masarap, nakapangumpisal ako. bumili na rin ako ng picture frame sa landmark pangregalo. na-late lang ako sa Misa pero masaya pa rin ako at nakapagsimba ako ngayong pista ni san ildefonso.

hindi na ako nagprusisyon. pinauwi ko na lang kina adette at judith ang regalo ko at sumakay ng taxi papuntang market market. mabilis ang transaksyon sa cellphone. xperia pro. php18,400, 6 months to pay. at ginamit ko agad sa pakikipagtext kay best. nagtingin muna ako nang konti ng laptop bago umiwi at naubusan ng baterya ang myphone ko. papunta sa bus, akala ko nawala ko pa ang elm ko. nasa kanang bulsa ko pala.

pag-uwi, download agad ng light saber app. at kumain. bukas ko na siguro kukunin ang data sa elm ko para backup bago ko i-reset at ibigay kay mama. sana hindi siya ma-hassle sa paggamit nito lalo na sa pag-charge. nagamay ko na halos ang bagong cellphone. nagchacharge ngayon.

panalo. ang mga araw mula noong bday ko. kahit may mga kabadtripan, daig pa rin ng mga dapat ikasaya. bagong mga kaibigan, bagong trip, bagong cellphone, bagong pag-asa.

No comments: