Sunday, May 29, 2011

rainy sunday afternoon

akala mo liliwanag na uli, biglang babagsak na naman ang ulan. mapagpahinga ang araw na ito kahit may konting pag-aalala sa kalagayan ni tita. mukhang mabuti naman na ang kanyang pakiramdam pero kailangan pang obserbahan.

naka-ilang subok ako kanina sa pag-install ng sp1 sa acer laptop pero hindi gumana. mali ang ginawa ko noong una na mainip at patayin noong nakasulat nga na wag patayin. ngayon, ginamitan ko na ng standalone installer dahil sumablay na ang mga sumunod na windows update pagkatapos kong i-cancel.

9 days to go bago mag-expire ang evaluation period ng windows dito sa x3. malamang sa susunod na weekend ko irereformat para sa isang 30 day trial. natantsa ko rin na malamang september ko maaaring bilhin ang mga lalabas ng component na trip ko. halos lahat pala dito, papalitan. mukhang mapapamahal. ang matitira lang, yung case, dvd drive, at power supply. ok lang.

ininstall ko na rin ngayon ang drivers ng myphone dito sa desktop kahit na pagka-reformat ko pa balak mag-migrate talaga ng email at phone sync/backup. kataon kasi, dala ni papa ang netbook ko. ayun pala, dahil sa pag-u-update ng windows, hindi pa tuloy nakapag-pc session si mama ngayong weekend. mamaya sana, pag tapos na. kung hindi, this week na lang. pero sa bagay, nasusulit naman niya kanina ang mga cellphone niya.

lunes bukas, handa na ba ako? handa dapat. kailangang ibalik ang pagkatuwa ko habang umuulan parang noong tumakbo ako sa ulan noong biyernes at noong naglalakad ako pauwi habang malakas ang ulan noong martes. pero bawal magkasakit. haha.

No comments: