Saturday, May 14, 2011

cabalen

walang outing ngayon. haha. nasunod ang rule of no third.

nagpunta akong dentista at pwede na raw mag-retainers para sa upper teeth pero sa susunod na lang susukatan. medyo nagkonsulta rin si dra. beth tungkol sa pinapagawa nilang bahay. ewan ko lang kung gaano ka-(hindi) ok yung mga komento ko.

pag-uwi, nainit ko na ang pancit na lunch ko sana tapos nagtext si goey na sumunod ako dahil manlilibre si cholo. naligo muna ako at tinapos ang pag-convert ng hdd mula dynamic disk pabalik sa basic disk. na-infiltrate ko ang dbti sa pagsagot ng ilang trivia question matapos magkunwaring hinahanap ang alumni id. pagkatapos, cabalen.

sulit yung libre ni cholo. hindi nga ako makahinga pagkatapos. hindi na ako nag-dessert. natanggap pala kasi sa trabaho pero nagrereview pa siya. sportscar sighting of the day: 430 scuderia sa shangri-la. pagkakain, umuwi na si cholo at pumunta dito sina kevin, goey, at venjo. tumambay sila dito sa kwarto at kinopya ni kevin ang gundam at gundam zeta at silang tatlo, kinopya ang angry birds.

wala ngang outing ngayon pero may tamang enjoy time din kasama ang barkada. si michelle, nasa trip ngayon kasama sina aane. sana ligtas at masaya sila ngayon doon.

lazy time na pagdating ng gabi. nanghihinayang ako na sana mas napakinabangan ko ang oras ko. bukas, dapat maganda ang sked ko. dapat masulit ko ang araw. naka-sked akong magngumpisal bukas. dapat magawa ko iyon at makasimba sa magandang oras para maisingit ang pag-overtime.

tinitingnan ko ang deskfan. naka-deskfan na uli ako. hindi pa yung dati kong nasirang deskfan pero yung kina mama ito na katulad nun sakin. inayos din ni tito feds.mas bagay pala. siguro, kaya mas nagandahan ako sa nung pinalitan dahil mas malinis. e ngayon, malinis-linis ang pwesto. ganun nga ata sa mga bagay, sa buhay. iyong inaakalang hindi kagandahan, maganda rin pala, basta linisin, ayusin.

No comments: