Saturday, May 21, 2011

boondocks

hindi natuloy and pag-akyat namin kanina. pero tila maraming nangyari kagabi. may pagkadismaya, may takot, may lungkot. sa kabila noon, hindi maipagkakaila na kahapon, pagkagaling sa trabaho, nakadaan ako sa greenbelt chapel para mangumpisal at magsimba. at tingin ko, may mga tao akong napasaya. ok na ako dun.

kanina, halos natulog lang ako at nag-internet. naturuan ko rin si mamang mag-facebook sandali. nakapagsimba rin ako kasama nila ni papa ng anticipated Mass. tila matagal na akong hindi nakakasabay magsimba.

ayos lang ang weekend ko kahit bitin sa bundok. at sabi ko nga (nang paulit-ulit mula kagabi), �mountains can be moved at the most but they won�t disappear.�

No comments: