pinilit ko pero hindi ako natutuwa sa malaking monitor sa office. oo, may advantages pero hindi ko pa rin trip. medyo na-conclude ko ang mga criteria ko sa desktop monitors.
bagong pc sa office pero hindi pa rin ganun kabago ang attitude. kulang na kulang pa rin ako sa gana. at least hindi nababagot sa mga kasama. sabi ni tristan, maligalig daw ang araw na ito. andun na ang pintuan sa cubicle namin, sirang upuan, naglolokong mga printer na tila pinagtitripan si narch, ang pag-segregate ni wesley ng mga patapong papel, at ang defensive tactics ni arianne sa aircon involving payong (nakasara), kahon ng monitor, at payong uli (nakabukas).
medyo maraming napag-usapan para sa lakad namin nina ailene sa sabado. o ako lang siguro nararamihan. excited. hehe. sabay ko na iyon sa milo marathon training ko. matapos ang dalawang linggo mula nang ubuhin ako, nag-milo na uli ako. milo everyday.
pag-uwi, bumili ako ng mouse at office 2010. tila hindi ito ang gusto kong bilhing mouse. nalaman ko na lang nung nasa releasing na. buti nagpresinta si jeff na sa kanya ko na lang ibigay at bibili ako balang araw ng 2x na mouse.
medyo excited ako para sa linggong ito. sana magawa ko nang tama o kahit medyo tama lang.
No comments:
Post a Comment