naka-sick leave ako ngayon. hika ang inabot ko sa outing. at enjoy. hindi gaanong effective ang pagpapaalis ko ng lagnat kagabi. nakatulog ako. nagising na lang ako na inaasikaso ng mga magulang ko dahil naliligo na ako sa pawis. buti na lang dahil kung hindi, mas magkakasakit lang ako.
medyo hassle lang, kaarawan kahapon ng tatay ko at hindi ganun na-sulit dahil may sakit ako. ang niregalo namin ni ate ko, gift certificate para hindi na problema yung maling size ng tshirt. tsaka tinuro ni ate paano laruin yung angry birds sa pc.
noong isang gabi kami dumating nina venjo, dogi, miro & arcee/carlota/carl, kevin, at goey mula sa outing. panalo. matagal at nakakapagod lang ang biyahe pero sulit. sa bus pabalik, pagkaandar, sinubukan ko nang magrecover sa pamamagitan ng pagtulog na medyo gising para hindi matamaan ng mga dumadaan. na-shotgon ko ang aisle side seat. ayoko sa may bintana. mukhang effective naman ang recovery at asteg yung ballroom music nung nasa nlex na kami. nagpasundo ako sa cubao terminal at hindi na nakasama sa afterparty kina kevin dahil kailangan kong magpahinga.
sa aming huling araw doon, inuubo at tumindi na ang sipon ko pagkagising. naki-charge ako ng dalawang cellphone na pinapatay-bukas ko para tipirin ang karga ng baterya. mababait mga tao dun. hindi na sana ako bababad pero nakakaengganyo ang malinaw na tubig dagat. pagkatapos sulitin ang dagat, umalis na kami. isang oras na tricycle at isang oras na jeep. tumigil muna kami sa china outpost sa gitna ng tricycle trip. pagdating ng bayan ng burgos, naghintay pa kami ng bus at nagpalamig pero dahil walang bus pa-cubao, munabuti na naming mag-jeep papuntang estasyon sa alaminos.
ang sarap ng gising noong linggo. medyo maiinit lang sa tent. ang masarap ay noong binuksan ko ang tent at nakita ang nakangiting buwan at, kung hindi ako nagkakamali, ang venus. text konti at kuha ng picture. lowbatt parehong phone. haha. pagkatapos ikutin ang isla, napaidlip akong sandali bago sila mag-agahan. hindi ako kumain. delikado. hindi pwedeng umabot sa 2 ang bilang sa isla. nagbabad kami habang naghihintay ng sundo. dumami na ang mga tao at nasakop ang bahagi ng tubig na aming nililiguan. sakto sa oras ang pagdating ng sundo. na huli lang kami nang konti sa pag-alis, mga 5minuto. masarap ang hangin at pakiramdam sa pagbabangka namin papuntang mainland.
pagdating sa mainland, pinaubaya ko muna kay kevin ang cr habang hinanap namin ni goey ang simbahan. linggo, e. malayo ang simbahan. nagtanong at medyo nasayang din ang oras sa paghahanap ng simbahan sa paaralan (lampas pala dun, hindi doon mismo). sermon na nung dumating kami at hindi pala sa tagalog ang Misa. ayos lang.
pagbalik, nagpasain pala sila ng kanina at nananghalian na kami. naki-charge ako ng cellphone sa tindahan ng masarap na halo-halo kung saan inintroduce namin ni goey ang bagong 50 pesos. sumablay na naman ang charging. oh well. maya-maya, dagat. may 1, labor day noon. ang ginawa namin, naghukay sa dagat. trip. bandang dapithapon, ang trip naman namin, carl in the middle. ang hapunan namin ay inihaw na baboy at pusit. sa papag ako natulog, kung saan kami kumain at kasama ang mga gamit. sina dogi, miro at carl, sa tarp, banig at sleeping bag. sina kevin at goey, sa kabilang papag. si venjo, sa floatation device/bed.
mahaba ang biyahe papunta. medyo off timing ang pag-alis namin nina venjo, dogi, miro at carl pero saktong halos kararating lang ni goey sa may mcdo para puntahan namin si kevin. matagal-tagal naghintay si kevin sa five star sa cubao pero halos on schedule pa rin. dumating ang bus pagkatapos ng hindi katagalan. mabilis ang bus at mahangin. noong wala na sa highway, umaalon pa. ako ang nahiwalay ng upuan. nung una, akala ko hawig ni cara yung katabi ko pero hindi pala. mabilis at medyo nakakatakot pa nga ang bus ride. tipong muntik humampas sa kawad ng kuryente. pero nasa kabilang side ako at nasa aisle seat.
pagdating ng alaminos, mcdonald�s. big mac sa akin. ito ata ang dumali sa akin kinabukasan ng umaga. mabigat ang bagahe dahil sa tubig at canned goods. pero ok lang. adventure. nag-jeep kami pa-burgos. antagal. nag-tricycle kami papuntang beach. antagal lalo. napagkasunduang option a: 1st night sa isla, para makasimba kinabukasan nang 1030 sa malapit na chapel at mas madaling makakapaghanda pauwi.
hinatid kami ni manong shotgun sa isla at susunduin kami kinabukasan. maalon. malakas ang alon. pansin ko pero hindi ko talaga pansin dahil sa excitement. 2 years mula nung huli kong adventure kasama nina venjo. maganda ang isla at solo namin noong una. yung sumunod na hinatid ni manong shotgun, mababait din. wala lang aperture. nagbabad kami pagka-setup ng campsite. 3 tent. sa tubig, biological warfare gamit ang mga seaweed. sana ok lang sa kanila. at salamat sa kanila, nag-enjoy kami.
noong gabi na, nag-iinom na kami nina venjo at carlota sa dagat pero may namataan daw na ahas sa malapit yung sa isang grupo kaya pinabalik kami ni miro sa campsite. nakuhanan pala ni miro ng picture yung ahas. kinabukasan, nakita rin namin nina venjo, kevin, at goey ang snake pit. pagka-hapunan ng maraming tuna paella na ininit sa legendary kaldero at portable stove ni venjo, inuman at kwentuhang high school barkada. ang sarap ng pakiramdam. nagtext-text akong konti sa nanay ko para mag-report na ok kami at kay best para sabihin gaano kasarap ang ganung bakasyon.
hindi kasi kaya ng camera phone at marahil, mas gusto kong ipaubaya na lang sa sariling alaala dahil mahirap din namang kalimutan ang ganoon tanawin�ang mga bituwin. maraming pagkakataon na natuwa ako sa dami ng bituwin na nakikita ko sa langit. sa pagkakaalala ko, nung nagpunta akong negros, sinabi ko pa, walang ganoon sa amin. noong mga nakaraang bakasyon din namin, ang sarap tingnan ng mga tala. pero ito talaga, parang pinakamarami ang nakita ko. noong sabado ng gabing iyon, punung-puno ang langit ng mga bituwin at naka-isa pa akong shooting star. ang sarap. ang galing ng Gumawa ng mga iyon. ng dagat, ng beach, ng mga tao, ng lahat. panalo.
No comments:
Post a Comment