Wednesday, May 25, 2011

portrait of a scale model

pagod ako. ayun, hindi rin natuloy ang lunch out. pinapunta ako sa meeting at may mga inayos para doon. kinailangan ko ring magpahinga habang lunch break para hindi antukin habang nasa meeting after lunch. resulta: hindi naman pinag-usapan ang hinanda ko. tumunganga lang ako doon. late pa natapos. hahahahahaha.

medyo late na rin akong nakapasok pero hindi lang dahil sa angry birds kagabi at sa paghahanap na ng solusyon (hindi matagumpay) sa pagbawi ng unknown used space sa harddrive ng laptop ni papa. nawili sa pagbabasa at pagreply sa okc. ok din. hehe. at tila sikat nga ang l4d.

kaarawan ngayon ni cara, tila dapat magkita rin kami sa loob ng buwang ito o sa susunod. matagal na kaming hindi nagkikita. kahit sa mga japanese related event, hindi kami nagkikita.

naalala ko ang malate. nabanggit din kanina habang nakikipagkwentuhan sa office pagkakain na cool pa rin ako dahil kahit papano, nakasali ako sa malate. pero sumang-ayon na kakaiba nga ang mga tag-malate. tila napapadaldal ako ngayong araw, sa personal at sa digital. dahil sa kwentuhan kanina, napatingin din ako sa transcript ko ngayong gabi dahil sa kwentuhan kanina. 2.061 ang cgpa ko noong college at 10 subjects ang naibagsak. 11 ang 0.0 dahil dalawang beses bumagsak sa isang subject. tsk tsk. ayos lang yan. hahaha.

isang fail ngayong araw na ito, at kahapon at noong isang araw, nawala ang naipon kong ~1795 minutes (di ko maalala kung tumawag pa ako matapos ang huling balance check) o halos 30 na oras ng tawag sa sun. noong isang araw pala nag-expire. hindi kasi ako nag-register agad. oh well. bagong goal: makaipon ng 69 hours.

nakuhanan ko ng picture ang scale model ng shangri-la. iyon na siguro ang pinakanapala ko sa meeting. iyon na rin ata ang may pinakamalaking impact sa akin sa pagpunta ko sa site office. magandang nakikita ang inaasam.

sa weekend, sana matuloy, gusto kong makita ilang taong pangarap kong maging masaya. at sa weekend din, sa friday siguro simulang, mabigyan nga uli ng mga session si mama sa paggamit ng pc.

No comments: