hindi ko pa rin tapos ang kailangan kong tapusin. dapat magawa ko ito bukas. medyo ok pa naman ang monday ko ngayon.
halos buong araw pala akong nakipagkwentuhan sa best ko sa email habang namomroblema, naguguluhan, at medyo napepressure sa ginagawa kong connecting bridge (d�j� vu?). by the end of the work day, mukhang resolved naman na ako sa geometry. wind load na lang. light-hearted ang kwentuhan at nakakatuwa dahil tingin ko, masaya siya. at tuloy pa rin ang pangako kong pagregalo sa kanya ng sofa set.
bago mag-lunch, sa elevator, paakyat, binanggit ko kina jj at daryl na wala akong gana dahil hindi natuloy ang trip noong sabado. hanggang pag-uwi, hindi ako maka-get over na hindi ako naka-get over the mountain. pauwi, bumili ako ng oatmeal cookies. magdadala ako bukas at sabi ni ailene, bibigyan niya kami ng granola bars na baon sana noong hike. nabanggit ko na kickoff sana yung nung sabado sana ng series ng mga hiking trip ko. sana magawa ko nga. kailangang maging healthy.
ngayun-ngayon lang, katext ko si odessa tungkol sa credit card application at na sa malapit lang pala siya nagtatrabaho ngayong summer. asteg. small world. medyo nakakalungkot na marami akong lakad na hindi natutuloy. sana, matuloy naman ang lunch namin dahil hanggang friday na lang siya. old friends. nakakatuwa.
challenge ang linggong ito. nararamdaman ko ang pressure na maraming hindi natutupad sa mga balak at tungkulin ko. kailangang magbago iyon. kahit siguro hindi ko makuha ang 50+% win ratio, basta makarami ng kaala-alala at mahalaga.
at sa wakas, as of kaninang madaling-araw, may twitter na ako: angsterpunkster.
No comments:
Post a Comment