napagastos na naman ako kanina. dapat, uuwi ako kaagad pagkatapos ng quiz sa ENGIMAN para makatipid at makipaglaro kay raymond, pero kumanan ako patungong eng gate kung saan nadaanan ko sina lica. tumambay ako tapos isang oras yata pagkatapos, kumakain na ako ng tanghalian sa goose joint kasama nina jeff, patrick, shiela, at lica.
natawa ako sa sarili ko nang may kung anong pilisopiya na naman akong pinagsasasabi tungkol sa kung bakit inaangat ng isang tao ang kanyang sarili.
pagkatapos ay napasama kami sa Providence. uuwi na sana si lica kaso nakumbinsi at ako naman, kahit na gusto ko nang umuwi, umaasa rin na makumbinsi si lica na hindi muna umuwi.
mga kantang naaalala ko:
getting to know each other
closer you and i
bongga ka day (may naalala ako kaso buti na lang nakalimutan ko rin)
ligaya
better days
the prayer (pinakapangit na pagkanta namin ni patrick)
vincent
sana'y wala nang wakas
sana maulit muli
nandito ako
nag-panic na naman ako pero negligible kung ikukumpara sa madalas. hindi ko rin nalampasan kasi hindi rin naman ako makatingin noong kinakantahan ko siya. hehe.
pauwi, nag-LRT ako imbis na mag-jeep. syempre, magastos ako kapag hindi utak ang umiiral kundi puso (pero medulla oblongata talaga ang sabi kaso puso ang nagbibigay ng kapuna-punang reaksyon kaya puso na rin).
medyo isa't kalahating taon din ang hinintay ko bago kami nagkasabay sa isang sasakyan. badtrip lang ang paghihiwalay ng babae sa LRT. nauna akong bumaba. natapos ang langit.
friday, i'm in love.
mula kahapon, natuwa ako sa paglalaro ng gamecube. naayos na kasi ang gamecube ni raymond. kahit na NBA Live 2004 lang ang nilalaro namin, masaya naman. hanggang Linggo na lang ang tatlong linggo nilang bakasyon dito kaya sinusulit na namin. si raymond nga pala ay ang sampung taong gulang na pinsan kong galing states. anak siya ng yumao kong ninang forcie. sabi nila, magkamukha raw kami. sa kasalukuyan, naglalaro sila ni yonni sa sala namin. tinambakan kasi ako ni raymond gamit ang all stars west, e seattle lang ang gamit ko. oh well.
bukas, makakasama na ako sa kanilang maglaro sa donbosco at sana maraming g69 ang pumunta.
isa ito sa mga araw na may mataas na rating ng saya.
No comments:
Post a Comment